Jaya sinagot ang tanong ni John Lapus tungkol sa singer na panay ang ‘like’ sa mga anti-trans post sa Twitter

Jaya sinagot ang tanong ni John Lapus tungkol sa singer na panay ang 'like' sa mga anti-trans post sa Twitter

John Lapus at Jaya

SINAGOT ng Soul Diva na si Jaya ang tanong ni John Lapus tungkol sa isang celebrity na umano’y palaging nagla-like sa mga anti-trans post sa social media.

Nagpaliwanag ang award-winning singer sa pamamagitan din ng isang tweet kalakip ang ipinost na question ni Sweet.

Ni-repost ni Jaya sa kanyang Twitter ang tanong ng TV host-comedian at direktor na, “Mga anak sino daw yung singer na panay ang like ng mga anti trans tweets dito?”

Sa comments section ng tweet ni John, may mga direktang nagbanggit sa pangalan ni Jaya.

Kasunod nga nito, nilinaw ni Jaya kay Sweet na hindi siya anti-LGBTQ. Ipinaliwanag niya na may pina-follow siyang Twitter page na Gays Against Groomers.

Ito ay isang grupo na lumalaban sa pagpapalaki sa mga kabataan sa US  kung saan hinuhubog at ipinapasailalim sa surgery na hindi alam ng kanilang pamilya, lalo na ng mga magulang,


“John I am not anti trans but if you will follow @againstgrmrs they are a group of lgbt that is against grooming young children here in America to get surgery without consulting with their parents and these kids can’t even drink alcohol or get a tattoo.

“Sana you guys can ask me what is going on before assuming what I believe and am tweeting. Mas ok if magtanong muna. Wala kayo dito so you are not aware of our daily lives here,” ang pakiusap ni Jaya.

Ayon naman kay Sweet, nagtatanong lamang daw siya at wala siyang pinatatamaan sa kanyang tweet at hindi rin daw totoo na pa-blind item ang kanyang pagtatanong tulad ng una nating naibalita.

Maraming nagkomento sa isyu na ito nina Jaya at Sweet, narito ang ilan sa kanilang reaksyon.

“Respetuhan lang ng kanya-kanyang mga paniniwala. Ganun lang ka-simple!”

“I Love my LGBTQ friends & family. But what I cannot & will not tolerate & accept is yung mag share kami ng ladies room sa Trans. I just do not feel safe.”

“Tama naman si Jaya. Meron LGBT group sa USA na against sa mga groomers. Mali naman talaga ang mag groom at mag abuse ng mga bata. Perfect example yun dalawang amerikanong lalaki na nag adopt Tapos inabuse ang mga bata.”

Read more...