HINDI nagustuhan ng maraming mga Blinks ang ginawa ng radio DJ na so Mo Twister sa sikat na K-pop girl group na BlackPink.
Nanggagalaiti ang mga ito matapos makitang pasikretong kinunan ng DJ ang apat na miyembro ng K-pop group na sina Jennie Kim, Lalisa Manobal, Kim Ji-soo, at Rosé Park.
Invasion of privacy raw kasi ang ginawa ni Mo Twister dahil kitang-kita na walang kamalay-malay ang BlackPink na bini-bidyuhan na pala sila.
Sa isang tweet ay ibinahagi ng isang Blink (tawag sa mga fans ng BlackPink) ang video na kinunan ng radio host na kuha pala sa Amerika.
“This is #Jenlisa and #Jisoo in US. Dj Mo Twister filmed this without their permission! That mam is Creepy!!” ayon sa caption.
Marami naman sa mga netizens ang nag-react at nag-call out sa radio host sa maling ginawa nito.
“Paano s’ya nakalapit ng ganun? Wala bang security yun Blackpink?” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Kindly delete this video, it’s unauthorized. DJ Mo Twister secretly took the video and invaded Blackpink’s privacy…”
Baka Bet Mo: Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA
“Weirdo… bakit nasa baba ang point of view?” sey naman ng isa.
Sa kabila naman nito ay may mga nagtanggol naman kay Mo Twister at sinabing baka nagpa-fan boy lang rin ito at na-excite nang makita ang BlackPink.
“Sa mga Pinoy fans ng mga K-Pop na ‘to minsan sumosobra din tayo ano? Grabe kayo mang-away ng kapwa Pinoy sa Twitter at napapansin ko sa iba sa inyo ha hindi naman kayo inaano ng ibang Pinoy celebs na napag-uusapan grabe kayo mang-down sa kanila…” sabi ng isang netizen.
Talak naman ng isa, “Celebrity din naman si DJ Mo, so anong problema? Wala namang kinaiba yan sa isang fan na nag-video sa idol nila. OA ha…”
Maging ang dating naganap sa pagitan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Rhian Ramos noon kung saan umabot sa pagpa-file ng kaso ng aktres ng harassment ay inungkat ng netizens at iniugnay sa ginawa nito sa BlackPink.
“I don’t even want to talk about wat that mo twister did to a few women here in ph. Pero its vile, disgusting nd that person should rot in jail if we r being completely honest. LAS should do something about dz. YOU TOO! WTF ARE U DOING LETTING THEM BE ON THEIR OWN?” ayon sa Facebook fan page na BlackPink-Blink kalakip ang screenshots ng headline ukol sa isinampang kaso laban sa radio host.
Sa ngayon ay tila burado na ang naturang video ni Mo Twister sa BlackPink.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng radio host ukol sa isyung kinakaharap nito.
Related Chika:
Mo Twister binanatan si Bongbong Marcos: He’s never been in a job interview