MATAPOS ang kanyang pagbibigay linaw na hindi siya anti-trans people, sinabi ni Jaya na pagmamahal ang mayroon siya para sa mga malalapit niyang kaibigan na miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa kanyang Twitter page ay nagbigay ng mensahe ang tinaguriang “Asia’s Queen of Soul” matapos masangkot sa isyu ng pagiging “transphobic”.
“[Research] and dig deep to form your opinions on matters that matter to you. Then have a respectful and honest conversation without making it personal,” saad ni Jaya sa kanyang tweet.
Pagpapatuloy niya, “Once again, I am against children being exploited. That is it. Nothing more, nothing less. But if you like, you may also unfollow me. Love to you all.”
Sa hiwalay na tweet naman ay sinabi ni Jaya na may kalayaan ang kanyang mga followers na “mag-unfollow” sa kaniya kung nais ng mga ito.
“You are free to do, say and believe what you want – FREEDOM. Unfollow if you must. Thank you and this will be it for now. Will rest and pray for wisdom.
“Father in Heaven please take the wheel. I only have love for you all. To all my LGBT friends, who have been my closest friends for more than 40+ years and who do know me well, love you and you know my [heart],” sey ni Jaya.
Umalma ang Soul Diva na si Jaya sa blind item ni John Lapus tungkol sa isang celebrity na palaging nagla-like sa mga anti-trans post sa social media.https://t.co/uTtgLNu5Ri
— Bandera (@banderaphl) April 6, 2023
Matatandaang naiugnay ang mang-aawit matapos maglabas ng blind item ni John Lapus sa Twitter ukol sa isang singer na “panay like ng mga anti trans tweets”.
Bagamat hindi pinangalanan ay marami sa mga netizens ang nagsabing si Jaya ang tinutukoy sa tweet.
Nag-react rin ang singer at pinabulaan ang balitang isa siyang anti-trans lalo na’t isa siya sa mga Pinoy celebs na minahal ng mga beki rito sa bansa.
“John, I am not anti-trans but if you will follow [Gays against Groomers], they are a group of LGBT that is against grooming young children here in America to get surgery without consulting with their parents and these kids can’t even drink alcohol or get a tattoo,” sagot ni Jaya.
Dagdag pa nito, “Sana you guys can ask me what is going on before assuming what I believe and am tweeting. Mas ok if magtanong muna. Wala kayo dito [sa US] so you are not aware of our daily lives here.”
Maging ang drag queen na si DeeDee Marie Holliday ay na-call out rin si Jaya kalakip ng screenshot ng mga liked tweets nito.
Related Chika:
Jaya nagpasalamat sa lahat ng tumulong matapos masunugan: We are tired, fatigued, heartbroken, but not defeated!
Jaya nakalipat na sa bagong tahanan matapos masunugan sa US: Thank you Lord for new beginnings!