Rocco Nacino level up ang pagiging reservist, isa nang honorary member ng ‘Navy Seal’

Rocco Nacino level up ang pagiging reservist, isa nang honorary member ng ‘Navy Seal’

PHOTO: Instagram/@nacinorocco

MAY bagong military achievement ang aktor na si Rocco Nacino.

Proud niyang inanunsyo sa social media na opisyal na siyang honorary member ng Naval Special Operations Command o ‘yung tinatawag na “Navy Seal.”

Sa unang Instagram post, ibinandera ni Rocco ang ilang pictures habang siya ay kinakabitan ng ribbon at medal ng kanyang misis na si Melissa Gohing.

Ang memorable moment ng aktor ay ginanap sa Sangley Point Naval Base, Cavite City noong April 5.

Caption pa niya, “Receiving the Parangal sa Kapanalig ng Sandatahang Lakas Ng Pilipinas Medal and Ribbon.”

“This will serve as motivation to me and my comrades to continue our efforts as reservists in serving our country,” saad pa.

Di niya rin pinalagpas na pasalamatan ang kanyang asawa na laging nandyan upang suportahan siya.

Baka Bet Mo: Rocco inisa-isa ang benefits ng ‘skin to skin contact’ sa mga tatay at sanggol: ‘Helps you feel more confident as a father…’

“Thank you sa aking commander ng buhay ko, ang aking asawa sa pag-witness ng napaka espesyal na araw na ito,” Sey ng aktor.

Aniya pa, “Proud to be a Navy Seal. Para sa Pilipinas, Hooyahh!”

Sa sumunod na IG post ay ibinahagi naman niya ang kanyang portrait pictures at inilagay ang kanyang posisyon ngayon bilang navy seal reservist, “2LT Enrico Raphael Q. Nacino, RN, MAN, Nurse Corp, AFPRESCOM, Navsocom Honorary Member.

Patuloy pa, “From Descendants of the Sun Ph, to Joining the Philippine Navy as a Reservist, to being an honorary member of our Naval Special Operations Command (Navy Seals).”

Ani ng aktor, “Thankful for the many humbling lessons I have learned throughout the years!”

Proud na proud din siyempre ang kanyang misis at ibinahagi ang kaparehong post ni Rocco sa sariling IG account.

“I’m always proud of you mi amor! [smiling face with hearts emoji],” caption ni Melissa.

Sabi pa niya, hanga siya sa kanyang asawa dahil sa kagustuhan nitong laging tumulong sa mga kababayan.

“You just don’t post about it often but you’ve been doing CMO activities with your unit, NRPAU. I always admire you for always wanting to help other people,” chika niya.

Related Chika:

Beatrice Gomez nakauwi na sa Pinas, sinalubong ng members ng Philippine Navy

Read more...