Kapamilya stars, Team Cornerstone nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid ni Kyle Echarri: ‘We will miss her dearly’

Kapamilya stars, Team Cornerstone nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid ni Kyle Echarri: 'We will miss her dearly'

Kyle Echarri at Bella Echarri

BUKOD sa pamilya ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri, nagluluksa rin ngayon ang Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo sa pagpanaw ni Bella Echarri.

Isa ang kapatid ni Kyle sa mga promising artists ng talent management ni Erickson na itinuring na rin nilang tunay na kapamilya kaya naman durog na durog din ang kanilang puso sa pagpanaw ni Bella.

Sa official statement ng nasabing talent management company, mami-miss daw nila ang si Bella at patuloy na ipagdarasal ang katahimikan ng kanyang kaluluwa kasabay ng pakikiramay sa naulila niyang pamilya.

“Bella was a beloved member of the Cornerstone family and her passing has brought us great sorrow. We will miss her dearly.

“We send our heartfelt condolences and sympathies to the Echarri family and their loved ones in this difficult time.


“We invite everyone to join us in praying for the eternal repose of her soul. May she rest in peace,” ang buong mensahe ng Cornerstone na siya ring nangangalaga sa career nina Piolo Pascual, Sam Milby, Catriona Gray, Moira dela Torre, KZ Tandingan, Yeng Constantino at marami pang iba.

Pumanaw si Bella o Isabella Rae Echarri sa tunay na buhay nitong nagdaang Sabado, April 1, matapos ma-diagnose ng brain tumor last year. Siya ay 12 years old.

Kahapon, sabay na naglabas ng mensahe si Kyle at ang nanay nilang si Marie, sa socia media para sa pagpanaw ni Bella, na pinusuan ng napakaraming netizens, kabilang na ang mga celebrity friends ng Kapamilya actor.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay

Ilan nga sa mga nakiramay sa pamilya ni Kyle ay sina Anne Curtis, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janine Gutierrez, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes, Charlie Dizon, Darren Espanto, Zsa Zsa Padilla, Luis Manzano, Seth Fedelin, Inigo Pascual, AC Bonifacio, Edward Barber, Sue Ramirez, Barbie Imperial at Yeng Constantino.

“To my princess: I love you more than you will ever know ta. You are the most amazing sister anyone could ever ask for.


“I already miss your hugs/kisses for Manong whenever he was sad and your cheers for whenever I was on stage,” said Kyle in his post.

“Now more than anything I’m happy to know that you’re done with the year of fighting something you never deserved… you can finally smile, sing, dance, swim, and EAT again.

“And don’t worry I know I didn’t lose my sister… I just got a new angel. I love you ta, Forever,” ang nakasaad sa socmed post ni Kyle.

Noong July, 2022, nagbahagi rin si Kyle ng madamdaming message para kay Bella matapos niyang malaman na meron itong brain tumor.

“Mahal na mahal ko po talaga ‘yung kapatid ko. Alam n’yo naman po ‘yun since Day 1. Tuwing nagge-guest naman siya sa Magandang Buhay talagang umiiyak po ako parati.

“Hindi n’yo po makikita ang ganitong Kyle Echarri kung wala po si Isabella Echarri kasi siya po talaga nagbago ng buhay ko. And she’s always been the center of my life and everything that I do,” aniya pa.

Erickson Raymundo dedma sa bashers ng mga Cornerstone talents: ‘Paano mo sasagutin ang mga walang mukha?’

Elijah Canlas sasabak na rin sa pagkanta; proud boyfriend sa tagumpay ni Miles Ocampo

Read more...