Naglabas kasi siya ng dalawang gospel songs na pinamagatang “Panginoon Ikaw Lamang” at “Jesus Lord We Praise You.”
Ang mga bagong kanta ay isinulat mismo ni Ogie at prinoduce ni Jonathan Manalo.
Ayon pa sa veteran singer, magkakaroon din siya ng bagong album na alay sa Diyos sa darating na Easter Sunday, April 9.
“Thank you Lord for what you have done on the cross. You are the King of Kings. EP is out this Sunday on all streaming platforms. Hallelujah!” sey niya sa isang Instagram post.
Maraming netizens naman ang napa-comment at tuwang-tuwa dahil ginagamit ni Ogie ang kanyang boses upang sambahin at purihin ang Diyos.
Baka Bet Mo: Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: ‘Love you so much, Ma!’
Narito ang mga nabasa namin sa comment section:
“Glory to God! Thank You Sir Ogie for using your voice for God’s kingdom [happy face with hearts emoji].”
“May we see more of our Filipino singers creating music and singing songs to honor & glorify the Lord [red heart emoji] God bless you!”
“Praise the Lord hallelujah!!! May this holy week bring us peace, love and joy.”
Para sa kaalaman ng marami, si Ogie at ang kanyang misis na si Regine Velasquez ay dating nagkaroon ng worship band na “1 Walker.”
Kabilang pa sa nasabing banda ay ang batikang singer na si Jaya at iba pang mga kaibigan sa music industry.
Taong 2016 nang magkaroon sila ng worship concert.
Related Chika:
Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby; ‘I Can See You’ nina Ruru at Shaira trending agad