Dumbo ng ‘Showtime’ naaksidente, partner nanawagan ng tulong

Dumbo ng 'Showtime' naaksidente, partner nanawagan ng tulong

HUMIHINGI ng tulong pinansyal at mga dasal si Andrea Padua para sa kanyang partner na si Dumbo o Ervin Plaza sa tunay na buhay ng programang “It’s Showtime”.

Kamakailan ay nasangkot ito sa isang motorcycle accident na siyang dahilan ng pagkakaospital nito hanggang ngayon.

Si Dumbo ay ang audience coordinator ng Kapamilya noontime program na talagang mahal na mahal ng madlang pipol.

Sa pamamagitan ng Instagram story ay humiling si Andrea ng dasal para sa agarang paggaling ng kanyang partner at nakisuyo na rin ng tulong pinansyal para sa kanilang gastusin sa gamutan ng production staff ng “It’s Showtime”.

“Hi badly need help right now (praying hands emoji). Prayers and financial help po need po para sa operation nya, na motor accident po sya last night,” saad ni Andrea sa IG story sa account ni Dumbo.

Dagdag pa niya, “Any amount will do po Thank you so much!”

Nakilala si Dumbo dahil sa pagiging makulit nito at sa tuwing isasali siya ng mga hosts lalo na sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro sa kanilang mga banter sa Kapamilya program.

Narito ang mga detalye upang makatulong sa production staff.

GCASH

0906-311-2051

Andrea P.

BDO

006-500-165-062

Andrea Padua

Pagaling ka, Dumbo!

Other Chika:
‘Mas gusto ng mga Pinoy ang seryeng nakakakilig, may agawan at kabitan…ayaw na nila ng seryosong dramahan’

Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

StarStruck Avenger Abdul Raman nanghihingi ng tulong para sa na-stroke na ina: I am desperate…

Read more...