‘Free taste’ post ni Janice na kuha sa grocery nilagyan ng malisya ng netizens, may pinatatamaan nga ba?

'Free taste' post ni Janice na kuha sa grocery nilagyan ng malisya ng netizens, may pinatatamaan nga ba?

Janice de Belen

ALIW na aliw ang followers ni Janice de Belen sa kanyang latest post sa social media.

Nag-post kasi siya ng photo ng apat na paper cups na nilagyan ng free taste drinks sa isang supermarket.

“LAHAT NG FREE TASTE SA GROCERY D KO PINAPALAMPAS! PAKINABANGAN PA KAYA AKO LATER????”

‘Yan ang caption ng “Dirty Linen” star na ikina-amuse ng kanyang followers. Ang daming nag-react sa post na iyon ni Janice sa Instagram.

“Parehas tayo walang pinapalampas na free taste.”


“It’s not free tasting, it’s already paid through store membership fee.”

“Your such a lucky and blessed person Miss Janice. After getting rid of one terrible thing, you were gifted with several wonderful kids. Stay happy!!!”

Baka Bet Mo: Janice de Belen sa trending scene sa ‘Dirty Linen’: Huwag niyo pong gagawin ‘yun

“Grabe Leona! Humanda Ka Kay Carlos!”

“Ay syempre. Inaabangan mga Hanggang maluto.”

“Free taste n tapos bumabalik p for 2nd taste hndi kasi malasahan s una.”

“Free taste lang daw po Ms. @super_janice , di daw free meal.”

“Dyan lng tayo ms. @super_janice nakakadoscount kumbaga… hehehe.”


Pero may mga naghinalang cryptic ang post na ito ni Janice.

“Cryptic post din po ba ito? @super_janice,” said one fan. Na sinegundahan naman ng isa pang supporter who said, “Ay oo nga may HUGOT @super_janice.”

May hugot ka ba, Janice?  Ito ba ang paraan mo para magparinig?  Just asking.

Samantala, sa latest episode ng “Dirty Linen” ay kinontra ng character ni Janice na si Leona ang suggestion ng character ni Elisse Joson na si Sophie Madrigales na kuning PR at marketing head si Feliz (Angel Aquino) para sa malaking project nito.

Agad itong kinontra ni  Doña Cielo Fiero at ni Leona  (Janice de Belen) na nagsabing mas kailangan nilang i-outsource ang marketing head.

Ang sabi naman ni Carlos (John Arcilla) ay mas mabuting kumuha na sila ng Kapamilya kaysa sa ibang tao. Dito na napapayag si  Doña Cielo.

Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Read more...