Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’

Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging 'batang-hamog': 'Sinusunod ko lang ang script, no!'

Awra Briguela at Gladys Reyes

ISA sa mga nakakaloka at nakakatawang eksena sa pelikulang “Here Comes The Groom” ay ang pang-ookray ni Gladys Reyes kay Awra Briguela.

Talagang tawanan nang bonggang-bongga ang mga nanood sa naganap na premiere night ng pelikula kamakailan, kabilang na ang members ng entertainment press.

Ang “Here Comes The Groom” na isa sa walong official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival, ay spin-off ng blockbuster hit na “Here Comes The Bride”. This is under Quantum Films mula sa direksyon ni Chris Martinez.


In fairness kay Gladys, kung napaiyak niya kami sa ilang eksena niya sa “Apag” na kalahok din sa 2023 Summer MMFF, laugh trip naman ang hatid niya at ng buong cast sa “Here Comes The Groom.”

Bukod sa nakakaaliw at nakakalokang mga eksena nina Enchong Dee, Kaladkaren Davila, Miles Ocampo, Keempee de Leon at ng iba pang members ng cast, e, talagang agaw eksena rin sina Gladys at Awra.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo sa pakikipaghalikan niya sa ‘Here Comes The Groom’: Yung kay Enchong sakto lang, du’n ako kay Kaladkaren!’

Tawang-tawa kami at ang halos lahat ng nanood sa premiere night sa “confrontation scene” ng dalawa kung saan nag-dialogue si Gladys patungkol kay Awra ng, “Bakit may batang hamog?”

Laugh kung laugh ang audience sa punchline ng magaling na kontrabida at sa naging reaksyon ni Awra sa nasabing eksena.


Sa naganap na presscon after ng screening, natanong si Gladys kung ad-lib lang ba ang nasabing linya, “Hindi, ah! Sinusunod ko lang ang script! Nasa script yun!”

“Walang personalan yun, ah, ha, Awra?! Ha-hahahahaha!” ang depensa ng aktres.

Inusisa naman si Awra kung na-hurt ba siya sa pang-ookray ni Gladys sa kanya sa naturang eksena, “Mukha ba akong batang hamog ngayon?!” Na sinagot agad ni Gladys ng, “Of course not!”

Hirit pa ni Awra, “Charot! Siyempre po, akting-akting lang. Saka ang saya po talaga namin sa set at ang dami ko pong ipo-post kung gaano kami kasaya sa set ni Ms. Gladys!”

Samantala, marami namang nagkomento na siguradong ang entry raw nina Enchong at Gladys sa Summer MMFF ang hahakot ng pera sa takilya dahil wala ka talagang gagawin habang nanonood ka kundi tumawa lang nang tumawa.

In feyr, hindi naman talaga malayong maging top-grosser ang “Here Comes The Groom” sa gaganaping first-ever Summer filmfest.

Ka-join din sa movie sina Maris Racal, Eugene Domingo, Miles Ocampo, Tony Labrusca, Xilhouete, Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera at si Kuya Kim Atienza.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki

Read more...