Jisoo ng Blackpink nag-release ng kauna-unahang solo album

Jisoo ng Blackpink nag-release ng kauna-unahang solo album

PHOTO: Instagram/@sooyaaa__

FINALLY! Nailabas na ni Jisoo, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink, ang kanyang first-ever solo album na “ME.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Jisoo ang huling miyembro ng nasabing grupo na gumawa ng solo music.

Gaya ng nasabing titulo, tungkol mismo kay Jisoo ang mga kanta na patungkol daw sa kanyang paglaki.

“Through ‘Me,’ I want to display my unexplored side without ditching my originality. It is an EP about myself,” sey ni Jisoo sa The Korea Times.

Patuloy pa nya, “As I worked on it, I discovered my hidden charms and felt like I was growing up.”

“I took part in its overall production, sharing my ideas about music, the concept and music video, among other things,” aniya pa.

Baka Bet Mo: #GoBlinks: Pinoy celebs na nagpaka-‘fangirl’ sa Blackpink concert

Ayon sa YG Entertainment ay lumagpas na sa 1.31 million copies ang mga pre-order para sa debut album ni Jisoo, as of March 30.

Unang nag-release ng sariling kanta si Jennie noong 2018, at sumunod naman diyan sina Rosé at Lisa noong 2021.

Gayunpaman, sumabak na sa acting career si Jisoo at nauna riyan ang kanyang guest appearance sa 2015 series na “The Producers.”

Noong 2022 naman ay pinagbidahan niya ang K-Drama na pinamagatang “Snowdrop.”

Samantala, kasalukuyang nagaganap ang “Born Pink” world tour ng Blackpink at kakatapos nga lang nilang magtanghal dito sa Pilipinas noong March 25 at 26 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Related Chika:

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

Read more...