Nagpaabot na rin kasi siya ng mensahe para sa mga bashers na patuloy na binabanatan ang young actress matapos ang promposal.
Kung maaalala, nagawang tulungan ng K-Pop girl group na Blackpink si Andrea upang yayaing maging date si Ricci sa naganap na “Star Magical Prom.”
At dahil nga sa nangyari ay pinagsabihan ng ilang netizens ang young actress at sinabing kababae niyang tao ay siya pa ang nag first move.
Sa umpisa ay inamin ni Ricci na nagulat din siya sa ginawang paandar ni Andrea para sa kanya.
“I was stunned,” sey ng basketball player.
Kwento pa niya, “Blythe’s placard was in Korean, so I had no idea what was written on it until I saw the translation on the flip side.”
Kasunod niyan ay dinepensahan na nga niya ang girlfriend mula sa mga bashers.
“To those bashing Blythe for what she did at BP’s concert, let’s face it, lahat tayo gustong magpapansin sa idols natin,” sey ni Ricci.
Dagdag pa niya, “We were lucky that BP noticed the placard and made special mention of us. We have nothing against our bashers.”
Nangyari ang “promposal” ni Andrea kay Ricci sa mismong concert ng K-pop group na Blackpink na ginanap sa Philippine Arena noong March 26.
Nagbunga naman ang naging effort ni Andrea dahil naiuwi nila ni Ricci ang awards na “Most Creative Promposal,” at “Best Promposal” mula sa dinaluhang first-ever prom night ng Star Magic nitong March 30.
Related Chika:
Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng ‘yes’ ni Francine Diaz