MMDA nagbigay ng 30-minute ‘heat stroke break’ sa mga field personnel

MMDA nagbigay ng 30-minute ‘heat stroke break’ sa mga field personnel

INQUIRER file photo

NGAYONG panahon na ng tag-init, magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 30-minute “heat stroke break” para sa mga traffic enforcer at street sweeper.

Magsisimula ang bagong patakaran sa April 1 hanggang May 31, ayon sa MMDA.

Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes, ang pinirmahang memorandum circular ay para protektahan ang mga field worker nito mula sa heat exhaustion, stroke, at cramps na dulot ng matinding init.

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat daily to fulfill their duties and responsibilities. Their safety is of paramount importance,” pahayag ni Artes.

Sa ilalim ng polisiya, pinapayagan ng MMDA ang mga naka-duty na traffic enforcer at street sweeper na pansamantalang umalis na muna sa kanilang mga pwesto upang magpahinga at lumilim mula sa sikat ng araw sa loob ng 30 minuto.

Para hindi maantala ang operasyon ng MMDA personnel ay nagtakda sila ng prescribed schedule na susundin.

Baka Bet Mo: Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?

“The heat stroke break shall be done alternately by those who are assigned in a particular area to maintain visibility of traffic enforcers and street sweepers and to ensure field operations are not hampered,” sey ng MMDA Chairman.

Dagadag pa ni Artes, ang mga field personnel ay pinapayuhan ding magkaroon ng karagdagang 15 minutes na pahinga kung ang heat index o “human discomfort index” sa loob ng Metro Manila ay umabot sa 40 degrees Celsius o higit pa.

Magugunitang ilang beses nang nagpapaalala ang PAGASA sa publiko na umiwas sa tinatawag na “heat stress” na posibleng magdulot ng “heatstroke.”

Sinabi rin ng weather bureau na ang init na nararamdaman ng katawan ay posibleng masukat sa tinatawag nilang “heat index” na pwedeng makita sa kanilang website.

Base pa sa datos ng weather bureau, magkakaroon ng heat stroke ang isang tao kapag umabot ang heat index ng 33 hanggang 54 degrees celsius.

Read more:

Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Read more...