Beauty Gonzalez binabagyo ng swerte; sunud-sunod na ang teleserye, parami pa nang parami ang endorsement
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Beauty Gonzalez at Anne Barreto kasama sina Jan Enriquez at Katrina Aguila ng Aguila Artist Management
SINUSWERTE talaga ang aktres na si Beauty Gonzalez dahil bukod sa sunud-sunod ang mga proyekto niya sa GMA 7 ay parami rin nang parami ang kanyang endorsements.
Tuluy-tuloy pa rin ang swerte ni Beauty sa kanyang career kaya naman mas ginaganahan pa siyang magtrabaho ngayon. Very soon ay mapapanood na siya sa bagong serye ng GMA 7, ang “Stolen Life” kasama sina Gabby Concepcion at Carla Abellana.
Ilang araw na lang at ilo-launch na rin siya bilang solo endorser ng Hey Pretty Skin na pag-aari ni Anne Barretto na super excited ngayon palang dahil ang mahusay na aktres ang nag-iisang personalidad na makikipag-collaboration sa kanya.
Ito kasi ang nauuso ngayon among online at networking platforms para sa mga produktong ipinakikilala sa publiko ito rin ang inaabangan ng fans ng bawa’t artista.
Sa paghahanda ng paglaki ng kumpanya ni Ms. Anne ay nakipag-partner din sila sa Rising Era Dynasty, Inc. ni Mr. Red Era para sa distribusyon ng kanilang produkto at mas maging ligtas at healthy ang mga sangkap na ginagamit sa kanilang produkto ng pampaganda.
Kamakailan ay ni-launch ito na dinaluhan ng mga staff, employees, at resellers ng dalawang kompanya at present din si Kiray Celis na ka-affiliate sa TikTok ng produkto ni Ms. Anne.
Say naman ni Mr. Red, CEO ng RED sila ang magsu-supply ng mga organic ingredient sa mga ipinagmamalaking produkto ng HPS.
“Si RED po kasi ay naka-focus sa agriculture at ako naman po ay skin products. At napag-isipan namin na para ma-saturate talaga ang market, mag-collab kami para mas marami pang maabot na distributor at mas marami pang mai-offer and para lawakan pa namin ang business opportunity sa mga gusto pa naming i-offer sa mga distributor namin,” esplika ni Ms. Anne.
At para mas umalagwa pa ay kinuha nga si Beauty para sa collaboration nina Ms Anne at Mr. Red na ipakikilala na sa Abril 14.
“Unang-una hindi dahil sa cute ang name niya, related sa name ko, ‘hey Pretty, hey Beauty, parang nakatutuwa. Kasi si Ms. Beauty aside sa una, kilala ko siya and second nako-cover din po niya ang market hindi lang ang mga kabataan and mga mommy na kagaya namin, lalo na ang RED community kasi mas malakas sa Mindanao and mas makare-relate ang mga tao kay Ms. Beauty kasi ‘yung dialect mas mauunawan siya ng mga tagaroon,” pagbabahagi ng magandang CEO.
Naniniwala rin si Ms. Anne na malaki ang naitutulong ng celebrity endorser dahil, “Sa credibility siyempre kapag alam naman namin na kapag artista kilala sila and mapagkakatiwalaan and I think the credibility ng artista kaya more on for me, mas nagta-trust ang tao kapag may celebrity endorser and nakadaragdag ng prestige ng company.”
Sabi naman ni Mr. Red, “We’re so happy na si Ms Beauty Gonzales likes our product when we talk to her from packaging to the quality of the products, she really loves it.”