Nadine Lustre sa mga nasa ‘friends with benefits’ set- up: Make sure there is no emotions in there

Nadine Lustre sa mga nasa 'friends with benefits' set- up: Make sure there is no emotions in there
PARA sa aktres na si Nadine Lustre, magulo ang mapabilang sa isang “friends with benefits” na sitwasyon.

Sa kanyang panayam sa Cosmopolitan Philippines na mapapanood sa YouTube channel nito, natanong ang aktres kung ano ang kanyang opinyon ukol rito.

“Is there really a way you make a friends-with-benefits setup not messy?” tanong kay Nadine.

“I don’t know. Based on all the stories I’m hearing from friends, it’s really messy. I’m sorry but it gets really messy especially if you’re friends-with-benefits, it’s hard for another person not to in a way, baka ma-fall, may ma-fall sa isa sa inyong dalawa. That could make the whole dynamic messy,” sagot ng aktres.

Dagdag pa niya, “Or ‘yung isa sa inyo, mayroong isang type or bet. They also have a thing. That’s also really difficult kasi syempre, pwedeng magselos. Or ikaw, kunwari, may magustuhan na iba. Pwedeng may selosan kasi and that makes everything complicated.”

Baka Bet Mo: Nadine Lustre umaming ‘masokista’ pagdating sa pagpili ng project: Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako

Ani Nadine, mahirap daw dahil hindi mo alam kung anong dapat maramdaman dahil hindi ka naman maaaring mag-demand dahil wala naman relasyon.

“Ang hirap kasi you don’t know how to feel. You can’t demand because you’re not in a relationship at sasabihin mo rin sa sarili mo na, ‘Am I allowed to feel these emotions?’” sey niya.

Aminado naman si Nadine na nahirapan siya sa pagbibigay ng opinyon ukol sa ganoong set-up at ang pinagbasehan na lang niya ay experience ng kanyang mga kaibigan.

Sa huli ay nagbigay naman siya ng advice sa mga taong nasa ganoong sitwasyon.

“The only way for you to not make it messy is to not have feelings for each other. As in dapat no strings attached dapat kayo d’yan. As soon as nararamdaman mong nafa-fall ka na, you have to make sure that this is clear,” lahad ni Nadine.

Chika pa niya, “Kung na-fa-fall naman din siya sa’yo, edi why not you know might as well try. But if friends with benefits lang talaga kayo make sure there is no emotions in there.”

Related Chika:
Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

Read more...