Heart Evangelista, Jericho Rosales muling nagkita, hirit ng fans: ‘Reunion project when?’

Heart Evangelista, Jericho Rosales muling nagkita, hirit ng fans: 'Reunion project when?'

REUNITED muli ang dating magkasintahan at datinng on-screen partners na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa diumano’y mini get together ng dalawa kasama pa ang ilang mga kaibigan sa showbiz na kapwa mga Star Magic babies.

Spotted na kasama nina Heart at Jericho sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Kyle Echarri, at Maja Salvador.

Makikita rin na present sa get together si Mr. M o si Johnny Maranan pati na rin si Mariole Alberto.

Si Mr. M ay ang head at co-founder ng Star Magic mula 1992 hanggang 2007. Matapod nito ay nanatili siyang chairman emeritus ng Star Magic mula 2007 hanggang October 2020 hanggang sa tuluyan na itong lumipat sa Sparkle GMA Artist Center, talent management arm ng Kapuso network.

Baka Bet Mo: Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Si Mariole naman ay naging head ng Star Magic mula 2007 hanggang December 2020.

Caption ni Heart sa kanyang post, “About last night.”

Dagdag pa niya, “Growing up together was fun … seeing where life has taken all of us is pretty cool.”

Sa hiwalay na post ni Maja ay makikitang kasama rin nila si John Lloyd Cruz na nanligaw rin noon kay Heart bago niya naging dyowa si Jericho.

Super happy naman ang mga netizens na makita ang mga OG kinakikiligan nila noon.

“OMG kinikilig ako sa Jericho and Heart. Si Diet ang gwapo pa rin,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “#EchoHeart, reunion project when?”

 

 

OMGGG! HEART AND ECHO IN ONE FRAME!!!!! I’M DYING!!!!” sey naman ng isa.

Magkaroon kaya ng chance na magkaroon ng reunion project ang dalawa?

Sa ngayon ay masaya naman na sa kanilang personal lives sina Heart at Jericho dahil happily inlove ito sa kani-kanilang asawa.

Si Jericho ay ikinasal sa TV host na si Kim Jones noong May 2014 na ginanap sa Boracay.

Samantalang si Heart naman ay ikinasal kay Senator Chiz Escudero noong February 2015 sa Balesin.

Related Chika:
Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?

Heart Evangelista hindi papakabog, isang luxury bag worth P20 million

Read more...