Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

PALAISIPAN ngayon sa madlang pipol kung mayroon nga bang pinagdaraanan ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

Hindi kasi maiwasan ng madlang pipol na maghinala dahil sa sunod-sunod na pagbabahagi ng asawa ng aktor ng mga cryptic post sa kanyang Instagram account.

Kalat na kalat na nga sa social media ang ilang mga screenshots mula sa Instagram stories ni Priscilla.

“Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!” saad ng asawa ni John.

“Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change,” next patama pa ni Priscilla nang i-repost ang reels mula sa IG user na si @thinkingmindspage.

May pa-survey pa nga ang asawa ni John at tinanong niya ang netizens kung anong tawag sa babaeng nag-e-entertain ng mga lalaking kasal na.

Baka Bet Mo: John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!

May mga sumagot sa asawa ni John na “anaconda”, “hitad”, “linta”, “makati”, “homewrecker” at marami pang iba.

Sey ni Priscilla, “Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words.”

Hirit naman ng mga Marites, meron na naman kayang umaaligid sa kanyang mister na siyang dahilan kung bakit napapahugot siya sa social media.

Si Priscilla ay dating TV host-actress at beauty queen rin na siyang nagwagi bilang Miss Globe 2003 at Miss Earth 2004.

Kamakailan lang ay spotted na magkasama ang dalawa matapos dumalo sa isang birthday event.

Last month lang nang ibandera nina Priscilla at John ang kanilang pagmamahalan nang mag-celebrate ng ika-12th wedding anniversary.

Matatandaang nagkaroon sila ng beach wedding noong 2011 sa La Union at mayroon silang isang anak na babae na si Anechka na 11-years-old na ngayon.

Related Chika:
Janice: Wala kaming away ni Priscilla!

John, Priscilla sweet na sweet: Mukha bang hiwalay na kami?!

Read more...