Bianca, Toni, Mariel solid na solid pa rin ang friendship, binalikan ang ‘iyakan’ scene sa Hong Kong

Bianca, Toni, Mariel solid na solid pa rin ang friendship, binalikan ang 'iyakan' scene sa Hong Kong

Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga

HASHTAG #FriendshipGoals talaga ang magkakaibigang Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Kahit hindi na nagkakasama sa trabaho at hindi na nagkikita nang madalas ang tatlong TV host, napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi ni Bianca, hindi man sila personal na nagkakasama, regular pa rin silang nagkakausap at nagkakakuwentuhan tungkol sa kanilang personal lives, lalo na ang kanilang mga “mommy issues.”


“Yes. We actually have a chat group, and the chat group is still called even to this day, even if ako na lang ‘yung natira, ‘Kuya’s Angels,’” ang chika ni Bianca sa  Push Bets Live.

Baka Bet Mo: Nadine naghubo’t hubad sa beach; ‘Running Man PH’ cast members solid na solid na ang samahan, pero…

Very thankful and grateful ang Kapamilya TV host na nagkasama-sama sila bilang host ng “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN hanggang sa maging close na nga sila sa isa’t isa at makabuo ng special bond.

“Ibang ibang stage of life pa kami nu’n. I remember the first time we met, we were all heartbroken.


“I remember it was a trip to Hong Kong, nag-iiyakan kasi meron kaming mga bagong… parang break lahat in some way, shape, or form.

“And that, like, I think truly started the bond. And then of course, different life stages. More relationships, eventually isa isa kaming kinasal. Isa isa kaming naging nanay,” aniya pa.

Pagbabahagi pa ni Bianca, “It’s so important to still be connected to friends who knew you from the start, ‘yung kilala ka before you were whatever in your position, in whatever field you’re in.

“Because they know who you really are. They keep you grounded. So they will always, always be that to me,” dagdag pa niya.

Dagdag pa niyang chika, “Actually it’s ironic kasi ‘yung work, kaya pa ‘yung busy-ness ng work. Pero nung mga naging nanay na, oh my gosh.

“‘Yun na ‘yung talagang wala, ang hirap na talaga. Kasi I think, if anything, all of us, even we work, we’re very hands-on with our kids,” sabi pa ni Bianca Gonzalez sa nasabing panayam.

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Read more...