Anak nina Alma at Joey na si Vitto Marquez inatake ng matinding depresyon: ‘Nilabanan ko siya kaya nag-stress eating ako’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vitto Marquez
NAKARANAS din sa matinding anxiety at depresyon ang Viva Artists Agency (VAA) talent na si Vitto Marquez noong kasagsagan ng pandemya.
Hindi itinago ng 26-anyos na anak nina Alma Moreno at Joey Marquez ang pinagdaanan niyang mental health issues nang makachikahan ng ilang members ng media kamakailan.
Matapang na inamin ni Vitto, na dating miyembro ng grupong Hashtag, na grabe rin ang mga challenges na hinarap niya nitong mga nagdaang taon.
Sa presscon ng latest offering ng Viva Films, ang “Working Boys 2: Choose Your Papa” kung saan isa siya sa lead stars, naikuwento nga ni Vitto ang naranasang depression.
“Nawala kasi ang Hashtags tapos, during the pandemic, bawal lumabas ng bahay, nakakulong ka lang, so na-depressed ako.
“But now, I’m okay. I’m coping with it. Ang depression kasi, hindi naman lubusan mawawala, but you can fight it to lessen your feelings of being depressed,” pagbabahagi ng anak nina Ness at Tsong Joey.
Patuloy pa niya, “At that time, nu’ng puwede nang lumabas, ayoko pang lumabas. I got offers but tinanggihan ko kasi I felt I wasn’t ready.”
Pag-amin pa niya, “To be honest, five months after the pandemic began, I was thinking of ending it all. I’m not going to lie, naisip ko talaga yun pero nilabanan ko, kaya nag-stress eating ako.
“Kain ako nang kain kaya tumaba naman ako. Now, natatawa ako kapag naiisip ko yun,” aniya pa kasabay ng pagpapasalamat sa tulong at gabay ng kanyang pamilya at girlfriend.
Naikuwento pa niya na limang projects ang kanyang tinanggihan sa Viva kabilang na ang “Boy Bastos”, na napunta nga sa kapwa niya dating Hashtags na si Wilbert Ross.
“But I’m happy it went to Wilbert, na kasama ko noon sa Hashtags. Panay nga ang pagpapasalamat niya sa akin.
“Kasi nagkaroon din siya ng depression and I was there for him. He’s like a brother to me.
“That time kasi that the offer came for me, ayokong yung depression ko, maka-apekto sa trabaho ko at sa mga kasama ko.
“Hindi ko lang magagawa nang maayos ang work ko kung hindi naman ako okay. So I took my time,” paliwanag ng aktor.
Last year, nakasama na siya sa sitcom ng TV5 na “Kalye Kweens” kung saan nakasama niya ang inang si Alma Moreno.
“It’s a big help na kasama ko sa work ang mama ko. I felt ready na akong lumabas uli, magtrabaho, go back to normal.
“I was still nervous reporting to the taping but I fought it. Nakapagpalakas talaga ng loob ko ang mama ko. Lagi kaming nag-uusap. Going back to work is also therapeutic for me.
“And after that, dumating ang ‘Working Boys 2: Choose Your Papa’ and it felt nice to be going back to work doing a TV series and a new movie,” kuwento ni Vitto.
Kasama niya sa “Working Boys 2” sina Wilbert Ross, Mikoy Morales, Nikko Natividad at Andrew Muhlach.
“Lock in yung shooting namin, so lagi kaming magkakasama and we had great camaraderie on the set. Lagi kaming nagkukulitan, on and off camera, so masaya lang,” chika ng aktor.