Anak ni Tsong Joey virgin pa sa edad na 22, na-in love sa kaibigan ni Wynwin
NA-IN love na raw ang binatang anak ni Joey Marquez na si Vitto pero hindi raw niya ito niligawan dahil mas binigyan niya ng priority ang kanyang showbiz career.
Inamin ni Hashtag Vitto sa presscon ng bagong barkada movie na “Petmalu” na NGSB (no girlfriend since birth) pa rin ang kanyang status. Sumusumpa ang binata na sa edad na 22 ay wala pa siyang nagiging dyowa.
Taga-showbiz daw ang girl na nagustuhan ni Vitto at kaibigan ng kapatid niyang si Wynwin Marquez kaya malamang na Kapuso talent rin ito.
Sey ng binata, gusto raw muna niyang maging stable sa kanyang profession para may maipagmalaki sa pamilya ng gusto niyang female star.
Isa si Vitto sa mga bida ng pelikulang “Petmalu” sa direksyon ni Joven Tan. Ito na ang ikalawang movie ng binata this year, ang una ay ang “Squad Boys” na isa ring barkada movie mula sa Viva Films.
Sa mediacon ng pelikula kamakailan, in-explain ng writer-director ng movie na si Joven Tan kung bakit “Petmalu” ang ginamit niyang title.
“Initials ng mga pangalan ng characters na bumubuo sa cast. ‘P’ is for Pete (Marlo Mortel), ‘E’ is for Edward (Charles Kieron), ‘T’ is for Tim (Diego Loyzaga), ‘M’ is for Max (Brian Gazmen), ‘A’ is Albert (Vitto Marquez), ‘L’ for Lester (Jairus Aquino) and ‘U’ is for Unice (Michelle Vito), the only girl sa barkada. Pare-pareho silang nag-aaral sa isang school pero iba’t iba ang kinukuha nilang courses.
“Nagbuo sila ng isang group para sumali sa singing contest, na naghahanap naman ng ‘Tropa of the Year”’ hosted by Robi Domingo. Makakasama rin nila si Vivoree (Escuto, mula sa PBB Lucky Season 7) at Hashtag Charles, ” pahayag pa ni Direk Joven.
“Bawat isang character sa movie ay may kani-kanyang story. Si Vitto ay anak nina Yayo Aguila at William Martinez at siya rin ang naligaw ang landas sa barkada. Sina Sue Prado at Richard Quan naman ang parents ni Jairus na may identity problems naman.
“May love triangle conflict sina Michelle, Brian at Charles. Si Brian ay mula sa isang singing family at pinipilit siya ng parents niyang sina Mitoy Yonting at Marissa Sanchez at brother na si Ronnie Liang na kumuha ng course na ayaw naman niya.
“Si Diego ay OFWs ang parents kaya nakatira siya sa uncle niya, si Dennis Padilla. Si Irma Adlawan ang nanay ni Marlo at si Arlene Muhlach ang nanay ni Michelle,” dagdag pa ng direktor na isa ring award-winning composer. Isa sa mga hits niya ang “Anong Nangyari sa Ating Dalawa” ni Ice Seguerra.
May musical parts din ang “Petmalu”, “There are five sequences na kinakanta ng characters ang dialogue nila. I composed everything, including the theme song. Parents and young people can all relate with the situations portrayed in the movie kasi lahat, nangyayari sa mga pami-pamilya sa tunay na buhay, so tiyak na may mapupulot silang magagandang insights dito.”
Showing na ang “Petmalu” sa mga sinehan simula sa Setyembre 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.