Kathryn gaganap na comfort woman sa ‘Elena 1944’; bibida rin sa ‘A Very Good Girl’ kasama si Dolly de Leon

Kathryn gaganap na comfort woman sa 'Elena 1944'; bibida rin sa 'A Very Good Girl' kasama si Dolly de Leon

Dolly de Leon at Kathryn Bernardo

IBINANDERA ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na muli siyang sasabak sa bagong challenge para sa dalawang pelikula na nakatakda niyang gawin ngayong 2023.

Makalipas ang halos apat na taon mula nang gawin niya ang blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye,” with Alden Richards, bibida uli si Kathryn sa pelikulang “A Very Good Girl” kasama ang award-winning Filipina actress na si Dolly de Leon.

Ang isa pa niyang gagawin para sa ABS-CBN at Blacksheep Productions ay ang historical film na “Elena 1944.”

Ang “A Very Good Girl” ay ididirek ni Petersen Vargas, mula sa panulat ni Marionne Dominique Mancol at very soon ay magsisimula na ang shooting nito dahil ngayong taon din ito ipalalabas sa mga sinehan.

“It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon. For sure marami akong matututunan sa kaniya. I can’t wait to meet her again.

“Kasi sinabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa but that was very short lang. Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya. What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras,” pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Kathryn at Direk Petersen na siyang nasa likod ng “An Inconvenient Love” nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

“I feel like he is the perfect director to guide me in this movie. So I am really excited na makatrabaho siya for the first time,” sey ni Kath.

Sabi naman ng direktor, “It’s going to be a dark comedy but with a lot of class and sass. We want to serve lang this fantasy of alam mo ‘yun representing this frustrated and powerless generation pero through Kathryn’s character. So maraming aabangan.”


Sinabi rin ni Kathryn na talagang ni-request niya sa Star Cinema ang proyektong ito, “I personally asked for this na after ‘2 Good 2 Be True’ I want something na genre na hindi ko pa nagagawa before.

“Dark-comedy, I love watching dark comedy series or movie but then ‘yung gagawin ko ‘yon for sure it will be challenging but I am accepting the challenge and let’s do this Petersen,” aniya pa.

Samantala, bukod nga sa “A Very Good Girl,” bibida rin siya sa historical movie na “Elena 1944,” mula sa direksyon ni Olivia Lamasan under Black Sheep. Gaganap siya rito bilang isang comfort woman noong Japanese occupation.

“It’s with my great pride and honor that this movie will be directed by ‘Inang’ Olivia M. Lamasan,” aniya.

“Nung pinitch ‘yon, nandoon ‘yung takot, nandoon ‘yung medyo marami ka pang kailangang kausapin i-consult kasi medyo, paano ko ba sasabihin? Hindi pa ako sensitive, hindi pa ako ready for these kinds of roles.

“But then parang universe made a way. So na-stop muna ‘yung project na ‘yon, it was there I was happy na hindi pa siya ginawa nandiyan lang siya. Then pinitch nila ulit sa akin.

Baka Bet Mo: Zanjoe, Kylie wala nang ilangan nang gawin ang sex scene sa Sagada: Pareho kaming game!

“Then, ‘yan fast-forward nandito tayo ngayon. I turned 27 and mas ready na si Deej (Daniel Padilla), mas ready na si mama, I think ‘yung fans. Sila talaga (ang consideration).

“‘Yung fans most especially, ready sila and ako personally alam ko nu’ng tinanong ako ni Inang na parang gusto ko na siyang gawin kasi buo na ang puso ko na gawin siya, perfect kung kailan naman siya ipapalabas. It’s a very nice project,” sabi ng aktres.


Sabi naman ni Direk na siyang nagdirek ng “Barcelona” ng KathNiel, “Napapayag ako kasi Kathryn Bernardo siya. Now I am making a comeback as a director after retiring from the corporate world at si Kathryn ulit ang aking magiging artista. That’s such a blessing and something that I’m really, really very excited about.”

“Ako na-e-excite ako kasi it’s another transition for you. It’s another transition phase for you. When we did ‘Barcelona’ the challenge there was to transition Kathryn from a young teenage roles to more young adult roles, hindi ba?

“Then seven years later, eto na naman tayo not to really transition you but to really push you, push you limit as an actress to doing more edgy, more mature and more daring,” dagdag ng direktor.

“It’s a historical drama, Japanese period. It’s also an action-drama for Kathryn. It’s a very challenging role for you (Kathryn) and very daring. Gusto ko lang sabihin sa iyo Kath, I am very grateful na tinanggap mo.

“It goes beyond a comfort woman but something that we would want you na abangan. Ako I am very excited for Kathryn kasi she’s starting off with something new with ‘A Very Good Girl’ hindi ba?

“And that’s going to be followed by a project with direct Cathy Garcia-Molina, iba rin ‘yung genre, iba rin ‘yung character mo. And then this one, this one which I think to would be your most daring role yet, yet,” dagdag ni Direk Olive.

Reaksyon naman ni Kath, “Inang, I’m grateful. I wouldn’t say yes if hindi ikaw ‘yung magdi-direct. Hindi rin ako papayagan. I trust you with all my heart. So hawak-kamay tayo sa panibagong (project).

“Siguro like what Inang mentioned kanina more daring, ‘yun ang medyo bago sa kanila and it’s something about nire-represent ko ‘yung pagkababae ko and I love to do something like that, project like that, representing women, women empowerment,” aniya pa.

Jessy pag may anak na: Gusto ko ako ‘yung magluluto, ako ‘yung magdadala at susundo sa kanila sa school

Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

Read more...