Marco Gumabao nabiktima ng matinding pambu-bully sa school nang makulong ang amang si Dennis Roldan, gumanti ba siya?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Marco Gumabao at Dennis Roldan
MATINDING pambu-bully ang naranasan ng hunk actor na si Marco Gumabao mula sa mga kaklase sa school nang maaresto at makulong ang kanyang tatay na si Dennis Roldan.
Ito’y dahil sa kasong kidnapping na kinasangkutan ng aktor noong February, 2005. Ayon kay Marco, mga 10 taong gulang siya nang mangyari ang insidente at natatandaan pa rin niya ang naging eksena noon sa kanilang bahay.
Aniya, tinatayang 20 hanggang 30 na pulis ang dumating sa tahanan nila nu’ng araw na yun para arestuhin ang tatay niya na nakapagpiyansa naman noong 2006. Ngunit, tuluyan na itong nakulong matapos mahatulang guilty sa kidnapping ng isang lalaking Filipino-Chinese noong 2014.
“When I was in Grade 4, noong nakulong ang dad ko, that was when everyone, lahat sa batch ko, lahat ng gustong mam-bully sa akin, they found a reason to bully me.
“And I can also say that made me strong na where I am right now,” ang pahayag ni Marco sa presscon ng TV5 series na “Kurdapya” na pinagbibidahan nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Entertainment.
Pagpapatuloy pa niya, “Pero siguro when I was in school, pinapa-feel ko sa mga tao na huwag niyo kong lokohin, hindi ko rin kayo lolokohin. Kumbaga, may common respect that you instilled to that person.”
Nang pasukin na niya ang showbiz noong 2012, mas Marco natutunan pa niya ang “art of deadma” laban sa mga bashers at haters, “Siyempre, bilang artista, everyone’s looking at you. You’re a public person. Bawat galaw mo, nakikita nila, and they can also comment on everything that you do.
“So, importante rin po talaga na huwag kang masaktan sa sinasabi nila. Learn how to hear it with one ear, tapos labas sa isa. Tapos, just kill them with kindness. Huwag mo silang patulan,” katwiran ng aktor.
Sa bago nilang serye ni Yassi na “Kurdapya”, tatalakayin din ang lumalalang isyu ng bullying, sey ni Marco, “Just what Yassi said, these days and age, grabe na yong pambu-bully, e. Noong panahon ng dad niya, 1929, there was no social media.
“But now, ang dami ng form ng bullying. Puwedeng mag-comment sa photos sa Instagram, pag-reply sa mga stories. Unlike before, di ba, you can’t. If a person of yours replied to your story and nabasa mo accidentally, binu-bully ka pala.
“Na-hurt agad ang feelings mo. E, hindi mo naman pinost yon para i-hurt ang feelings mo, di ba? Ako, whenever I read comments, tinatawanan ko. Bihira akong pumatol.
“Kapag pumatol ako, wala lang, trip lang. Parang may oras lang akong pumatol. Hindi talaga ako papatol. Kapag nasimulan ko, ‘Sige na nga, patulan kita, para ma-happy ka rin, di ba? Sayang yung effort na pag-hate mo sa akin.’ So, yun,” Martin pang punto ng aktor.
Pahabol pa ng rumored boyfriend ni Cristine Reyes, “We have to be more careful. Yun nga, pag-isipan natin ang mga sinasabi natin. Think before you click and think before you speak.”
Napapanood na ngayon sa TV5 every Saturday night ang “Kurdapya” kung saan kasama rin sina Nikko Natividad, Ryza Cenon, Akihiro Blanco, Juliana Parizcova Segovia at marami pang iba, mula sa direksyon ni Easy Ferrer.