Anak ni Andi na si Lilo kinakarir ang surfing sa edad na 3: ‘Mom, I wanna be a champion like papa’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Andi Eigenmann, Hilmar Alipay at Lilo Alipay
SA edad na 3, kinakarir na ng anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo ang pagse-surf sa napakagandang isla ng Siargao.
Ibinahagi ng hindi na gaanong aktibong aktres at celebrity mom ang ilang litrato at video ng anak sa Instagram habang nasa dagat kasama ang kanyang tatay na si Philmar.
Ayon kay Andi, talagang ngayon pa lang ay nagpapakita na ng matinding interes ang anak sa surfing, sa katunayan nagsabi na raw ito sa kanya na gustung-gusto niyang maging professional surfer.
Sa Instagram video na ipinost ni Andi, mapapanood nga ang kanyang anak na babae habang sumasailalim sa surfing lesson with his dad.
“Lilo has been enjoying surfing lessons with @chepoxz lately!” bahagi ng caption ni Andi sa kanyang IG video.
“Before the video, Lilo just randomly went up to me and goes ‘mom, I wanna be a champion like papa.’
“The feelssss, the moment I figured out what she was telling me!” dagdag pa ni Andi.
Bumuhos naman ang mga mensahe mula sa mga celebrity friends at social media followers ni Andi na aliw na aliw kay Lilo. Anila, ngayon pa lang ay nakikita na nila ang future ng bata sa pagse-surf.
Sey ni Ita Villania, “Wooooow!!! She really loves it!!!”
“Go Lilo!” comment ni Ria Atayde.
“Just 3 years old and already focused on what she wants to become. Amazing Lilo!!” sabi naman ng isang IG user.
Taong 2017 nang magdesisyon si Andi na manirahan sa Siargao hanggang sa magsama na sila ni Philmar. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Lilo at Koa. Ang eldest daughter naman ni Andi na Ellie ay anak niya kay Jake Ejercito.
“I enjoy how my life turned out to be living on an island, meeting my partner now, and my family is slowly growing. I love the choices that I made but it doesn’t mean that I hated my life before,” sey ni Andi sa isang panayam.
“Our relationship didn’t go in the same order as most others’, but hey there is no rule book on this, right?? Our children, whom we owe all this to, are the very reason why we made it this far.”
“This life was and is never just always bathed in sunshine, but I am grateful things happened the way they all did because I wouldn’t have it any other way. I am more than happy to be sharing this with them all,” ang isa pa sa mga post noon ni Andi sa IG.