Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na ‘promposal’ kay Ricci Rivero: ‘He said YES!’

Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na 'promposal' kay Ricci Rivero: 'He said YES!'

Blackpink, Ricci Rivero at Andrea Brillantes

MISMONG ang sikat na sikat na South Korean girl group na Blackpink ang tumulong kay Andrea Brillantes para “mag-propose” sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Yes, nag-propose na nga si Andrea kay Ricci sa naganap “Born Pink” concert ng award-winning K-pop girl group last March 26 sa Philippine Arena.

But wait lang ha, hindi naman marriage proposal ang ginawa ng Kapamilya young actress. Niyaya lamang ng dalaga si Ricci para maging escort niya sa kauna-unahang “Star Magical Prom” sa darating na March 30.


Base sa mga napanood naming mga video sa social media, nangyari ang paandar na “promposal” ni Andrea habang nanonood sila ni Ricci ng “Born Pink”.

Nakita ng mga miyembro ng Blackpink na sina Rosé, Jennie, Lisa at Jisoo ang hawak na “promposal” placard ni Andrea na nasa harapan ng stage.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Agad namang binasa nina Rosé at Lisa ang nakasulat sa placard na, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Kasunod nito, hinanap nga ng grupo sa crowd ang boyfriend ni Andrea at nang magpakita nga si Ricci, sinabihan siya ni Rosé ng “Please go to prom with that girl.”


Ang tuwang-tuwang reply naman sa kanya ni Ricci ay, “Yes!” sabay halik sa noo ni Andrea.

Sabay-sabay namang in-announce ng Blackpink on stahe, “He (Ricci) said yes!”

Sigawan at palakpakan naman ang audience matapos ang matagumpay na “promposal” ng young actress.

Kanya-kanyang paandar at gimik ngayon ang mga youngstars ng ABS-CBN para sa kanilang mga “promposal” para sa first ever “Star Magic Prom” na tinaguriang “a night of love, friendship and magic.”

Inaasahang ipakikilala sa nasabing event ang mga bagong talents ng Kapamilya network. Mapapanood ito via livestream sa YouTube channel ng Star Magic.

Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng ‘yes’ ni Francine Diaz

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Read more...