Payo ni Maxene Magalona: ‘Please, huwag kayong matakot sa karma…you get what you give’

Payo ni Maxene Magalona: 'Please, huwag kayong matakot sa karma...you get what you give'

Maxene Magalona

NANINIWALA ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona na kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay yun din ang ibibigay at ipatitikim sa yo ng universe.

Para sa aktres, yan ang tinatawag na “karma” at hindi raw dapat katakutan ang karma lalo na sa mga taong patuloy na gumagawa ng kabutihan hindi lang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa ibang tao.

Nag-share ang anak ng yumaong Master Rapper at music icon na si Francis Magalona sa kanyang social media account tungkol sa karma at kung ano ang kahalagahan nito sa buhay ng isang tao.


Kalakip ang kanyang litrato habang nagme-meditate, ipinaliwanag ni Maxene ang pagkakaintindi niya sa karma, “Did you know? Karma is not a bad word.

“Karma in Sanskrit means ‘action’ and for every action, naturally there will be a reaction.

“If you always engage in negative behavior, you will naturally keep getting negative experiences in this world. If you consciously and selflessly give good energy, you will receive the most abundant blessings.

“You get what you give,” pagbabahagi ng aktres.

Paalala pa niya sa kanyang IG followers, “Please don’t be scared of karma. Work on eliminating your toxic traits and habits and develop a stronger connection to Source (God) so that you can always just keep doing the right thing.

“Take the seat of the soul and observe your human experience daily. Activate your consciousness and sharpen your awareness. Catch your triggers.

“Love yourself so you can release all that pain that is turning you into an unconscious monster. Be kind to yourself so you can be kind to others,” sey pa niya.

Sa huling bahagi ng kanyang Instagram post, nagbigay din si Maxene ng payo sa lahat ng followers niya sa IG, “Pro-tip: Practice always doing the right thing especially when it’s hard and believe me, the Universe will appreciate your efforts.

Baka Bet Mo: Rocco sa online scammer: Sana makunsensya ka sa ginagawa mo, karma na ang bahala sa yo!

“We are here to bring peace and order to this world. To raise the vibration of the planet by consciously contributing good energy and not damage it any further with our unconscious and negative behavior.

“Doing good brings good karma. Doing bad brings bad karma. Whice one do you choose?” ang tanong pa no Maxene sa mga netizens.


Narito naman ang reaksyon ng ilan sa mga naka-relate sa post ng aktres.

“Agree. I am also continuously healing myself from alot of pain and suffering from 2020&2022. This 2023 I’ve never felt so good now after deciding to let go of any negative emotion, energy or thought. I just decided to heal, focus on the good and I have never felt so good in my life now even if I am in my 40s. I feel like this is my 2nd life. I am with you on this healing journey to better ourselves and to help others be inspired to be their best versions too. Thank u for the inspiration!”

“Karma-energy seeking balance. Once the lesson is learned the the karma will be clear.”

“What you put out in the universe will come back to you.”

“Either good or bad karma depending on your action. Thank you for this reminder.”

Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine’s Day?

Read more...