‘Avisala Baby Amihan’: Iza Calzado ipinakilala na sa madlang pipol ang panganay na anak nila ni Ben Wintle

'Avisala Amihan': Iza Calzado ipinakilala na sa madlang pipol ang panganay na anak nila ni Ben Wintle

Ben Wintle, Iza Calzado at Baby Amigan

IPINAKILALA na ng Kapamilya actress na si Iza Calzado sa madlang pipol ang panganay na anak nila ni Ben Wintle na si Baby Amihan.

Sa wakas, makalipas ang tatlong buwan mula nang siya’y manganak ay ipinasilip na ni Iza ang kanyang baby sa publiko, si Deia Amihan Calzado Wintle na obviously ay isinunod sa karakter niya sa Kapuso action-fantasy-drama series na “Encantadia.”

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang litrato ni Baby Amihan, yun nga lang ang tanging makikita sa picture ay ang mumunting kamay ng sanggol at ang kanyang baba at lips.

Sabi ni Iza sa kanyang caption, “Words can’t describe the love we’re feeling as we introduce our precious baby girl, Deia Amihan Calzado Wintle.

“Born on January 26th, 2023, she’s already stolen our hearts and brought so much joy into our lives.


“We’re so grateful for the love and support from our family and friends, and can’t wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours! (three red heart emojis) #WintleHasArrived,” mensahe ng first-time mommy.

Baka Bet Mo: Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Mukhang hindi na muna magtatrabaho si Iza dahil ang balita, tututukan muna niya ang pag-aalaga kay Baby Deia Amihan katuwang ang asawang si Ben. Ito rin naman ang sinabi ni Iza bago siya manganak, baka raw matagal-tagal muna siyang magpapahinga sa showbiz.

In fairness, balitang may mga kumakausap nang mga kumpanya kina Iza at Ben para kuning endorser si Amihan pero baka raw hindi muna sila tatanggap ng offer. Sey daw ng aktres, may tamang panahon para rito.

Samantala, siguradong tuwang-tuwa rin ang mga kapwa Sang-gre ni Iza sa pagsilang ni Baby Amihan, na sina Diana Zubiri, Karylle at Sunshine Dizon, na hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang pagkakaibigan.


Sa isang interview, ibinahagi ni Iza ang feeling habang ipinagbubuntis ang anak, “Ito ang mundo ko, ang dami nating hinahanap sa labas noon… pero ito lang pala, sapat na.”

Ang ilan sa mga bumati sa pamilya nina Iza ay sina Lovi Poe, Bea Alonzo, Dawn Zulueta, Dingdong Dantes, Pia Wurtzbach, Arci Muñoz, Darren Espanto, Gabbi Garcia, Maureen Wroblewitz, Jasmine Curtis, Jessy Mendiola at Pauleen Luna.

Nag-post din ng kanilang pagbati sa mag-ina sina Coney Reyes, Isabelle Daza, Mariel Padilla, Bianca Gonzalez, Joseph Marco, Isabel Oli, Max Collins, Pops Fernandez, Vina Morales, Ruffa Gutierrez, Marjorie Barretto, Ogie Alcasid, Alfred Vargas, Angelu de Leon at marami pang iba.

Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Kyline Alcantara inalala ang magkasunod na pagpanaw ng lolo’t lola: Napakahirap, napakasakit…

Read more...