Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Christian Bables
NATUPAD na rin ng aktor na si Christian Bables ang matagal na niyang pangarap, ang maging guest host sa “TV Patrol” para sa “Star Patrol” segment nitong Biyernes.
Kaya nga kumuha ng kursong Communication Arts sa De La Salle University sa Dasmarinas, Cavite at natapos naman niya ito noong 2013 dahil gusto talaga ng premyadong aktor na maging parte ng industriya.
Narito ang post ni Christian sa kanyang Facebook account, “Last night’s (Friday) TV Patrol guesting was a dream come true.
“Naalala ko during my college days, we were given a chance to tour around the studios of ABS-CBN. Kuntodo porma ako that time hoping ma spot-an ng isang talent agent, or baka biglang kailanganin ng extra, puwede na agad ako sumabak (Oo ayun ang mindset).
“I even wished for me to see Ma’am Charo (Santos-Concio) that day thinking I can sort of beg her (cringey but true) to see the things that I can do and somehow give me a chance to audition.
“We were toured around the studios of ASAP, Umagang Kay Ganda, Showtime, DZMM, MOR, and TV Patrol. When I felt the air inside these studios, parang ang laki at ang labo bigla nu’ng mga nai-imagine ko sa pangangarap.
“‘Yung pakiramdam na sa sobrang laki at layo ng mga ito sa realidad, hindi mo alam kung papano mo sisimulan humakbang,” pahayag ng binata.
Sabi pa ni Christian, “Wala akong ni isang kamag anak, kaibigan, or kahit kapitbahay na kilala sa industriyang gusto ko pasukin. At that very moment, I had two choices.
“Ang matakot dahil ang pakiramdam ko noon ay para akong langgam na tatawid sa kalsadang puno ng rumaragasang sasakyan, o ang magpatuloy dahil alam kong may purpose kung bakit nilagay ni God itong overflowing passion na ito sa puso at systema ko.
“Ten (10) years since that day, nakumpleto ko ‘yung mga studio! I was able to perform in ASAP, I made an appearance in UKG, Showtime, DZMM, MOR, and just last night, I was able to experience how it is to be alongside Kabayan Noli De Castro, Ms. Karen Davila, Sir Henry Diaz, and my ate Bernadette Sembrano.
“It was a dream come true! Small wins na pinipili kong i-celebrate dahil pangarap lang ito noon sa akin.
“Looking at the angels in guise of the people and family I met in the industry, the posters of the movies I did, the awards and recognition I got from portraying movie characters, the places I’ve been, and the feeling of being trusted with what I can offer as a Filipino artist, I must say, it really pays to bet and believe in yourself even when it seems like no one wouldn’t even dare to go out and see you.
“Remember this, SOMETIME, SOMEWHERE, THERE WILL BE SOMEONE WHO WILL SAY YES TO ALL OF YOUR DREAMS.
“Mahaba pa ang journey, but I am thankful we’re here (heart emoji),” aniya pa.
Tama naman talaga, libre ang mangarap at huwag bibitaw dahil isang araw ay ibibigay din ito ng nasa Itaas.