Kylie Verzosa mas tumaas ang respeto sa mga ‘sugar baby’, kinarir ang pagda-diet para sa pagsusuot ng 2-piece bikini
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kylie Verzosa
MAS naiintindihan na ngayon ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang propesyon ng mga “sugar babies” pagkatapos niyang gawin ang latest movie sa Viva Films na “Baby Boy, Baby Girl.”
Ito ang kauna-unahang romcom-drama na ginawa niya kung saan muli niyang nakatambal ang hunk actor na si Marco Gumabao. At in fairness, ito rin ang funniest role na ginampanan niya sa pelikula.
Tinalakay sa latest offering ng Viva Films sa direksyon ni Jason Paul Laxamana ang tungkol sa mundo ng sugar dating at sa mga nagtatrabaho bilang mga sugar babies.
Inamin ni Kylie na hindi siya aware noon sa konsepto ng sugar dating at kung anu-ano nga ba ang ginagawa at ipinagagawa sa kanila ng mga nakukuha nilang sugar mommy at sugar daddy.
“I was surprised so what I did is do my own research about it. Our director, Jason Paul Laxamana, told me there are websites about sugar dating so I took a look and I interviewed my friends about it.
“So I learned, ah okay, may nangyayari naman pala talagang ganito and my first reaction is we cannot just judge the people who do it.
“Most of them have their own reasons and I became more compassionate with them,” pahayag ni Kylie nang makapanayam ng press sa nakaraang presscon ng movie na showing na ngayon sa mga sinehan.
In fairness, kinarir talaga ng aktres at dating beauty queen na ang preparation para sa kanyang role, lalo pa’t ilang eksena sa pelikula ang kinailangang magsuot siya ng two-piece bikini at iba pang sexy OOTD.
“I really had to diet even more. I’d like to say I gained weight for the role. Ha-hahaha!
“For me it was more of I had to research more and talk to people who have done sugar babying on the side,” sabi ni Kylie.
Nang makausap naman siya ng ilang miyembro ng media sa premiere night ng “Baby Boy, Baby Girl” Tuesday, March 21 sa SM Megamall, “I’m so excited. Kinakabahan at the same time pero I know that we all did a good job and we all did our best so sobrang excited ako.
“Marami akong natutunan dito sa movie dahil sa pagganap ko as a sugar baby. Mas tumaas yung respeto ko para sa kanila. At saka mas nirespeto ko sila as human beings,” sey pa ng dalaga.
Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Baby Boy, Baby Girl” at kasama rin dito sina Migo Valid, Yen Durano, Gino Roque, Andrea Babierra, Giselle Sanchez, Marnie Lapus, Gary Lim, Rey PJ Abellana, Marissa Sanchez, at Yayo Aguila.