OFWs sa Canada biktima rin ng diskriminasyon, sey ni Direk Benedict Mique: ‘Pero hindi Canadians ang problema, ibang mga lahi’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Benedict Mique, Kira Balinger at LA Santos
NANINIWALA si direk Benedict Mique na sobrang dami na ang mga Pinoy na naninirahan sa Canada.
Actually, parang Canada is the new America. Yes Virginia, iyan na ang in na kasabihan ngayon.
Sobrang na-inspire si direk Benedict sa kanyang natutunan about mga Pinoy sa Canada kaya naman sa kanyang latest movie na gagawin, and “Maple Leaf Dreams”, ay ibabahagi niya ang kuwento ng isang young couple who were chasing their Canadian dream. Bibida rito sina Kira Balinger and LA Santos.
“Right now, in one connection, mayroon kang kilalang pumunta ng Canada or nasa Canada ngayon na kaibigan. So, it’s very timely,” say niya sa announcement ng movie recently.
“Right now, ang pinakamalaking populasyon ng Pilipino ay nasa Toronto, sa Ontario. So, that’s what we’re targeting.
“At the same time, parang wala pang film na gumagawa sa ano, itong panahon na ito, ha. Mostly they go to Vancouver because it is easier and accessible. But we want to do it in Toronto because nandodoon talaga ‘yung maraming Pilipino. Nandodoon ‘yung mga schools,” say niya.
Aware siya na mayroong nangyayaring discrimination sa Canada, not by Canadians but other nationalities.
“Actually, sa Ontario pinakamaraming Pilipino. Hindi ko alam ang exact number pero marami din kasing nationalities na nandodoon. Everyone is battling to get a place there.
“Ganoon naman ‘yan, eh. Siyempre, ikaw, Pilipino ka so ang una mong tutulungan ay Pilipino. Una mong tatanggapin ay Pilipino sa trabaho.
“So kung ibang lahi ang nandodoon, it’s the same. They protect their own race. May ganoong nangyayaring sistema doon sa ibang lugar sa Canada,” paliwanag niya.
“More of loneliness, may konting discrimination din,” sabi niya sa mga narararanasang struggles ng Pinoy na naroroon.
“Actually, hindi nga doon sa Canadians nanggagaling ‘yung discrimination. Like ‘yung mga Chinese, they refer to you na parang ‘O, our nannies are Filipinos.’ May mga ganoon.
“Yung mga Indians, may ganoon din. Iba-ibang bansa kayo. Siguro hindi mo rin masisisi. May tendency na naggugrupo kayo. Kunyari lahat ng Chinese, Indians tapos may Pilipino. May tendency na maggrupo to protect yourselves,” paliwanag niya.
Sa huli ay in-stress ng director na hindi mga Canadians ang problema.
“I’ll make it clear, ‘yung mga Canadians, hindi sila ‘yung ma-discriminate, ha. ‘Yung mismong Canadians, actually, they’re very open. Sometimes, ang naglalaban-laban is ‘yung iba-ibang nationalities na nagma-migrate. Canadians are very open. Mababait ang Canadians,” he added.
“Maple Leaf Dreams” is produced by Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic and is written by Hanna Cruz.