ISA sa pinakasikat na piyesta sa bansa ay ang “Sinulog Festival” na tuwing Enero ipinagdiriwang sa Cebu City.
At bilang proud Cebuana, ito ang naging inspirasyon ng singer-songwriter na si Karen Ann Cabrera o mas kilala bilang “Karencitta” sa kanyang debut single na may titulong “BLOW!”
Ayon kay Karencitta, nais niya kasing mag-enjoy at mapasayaw ang lahat ng makikinig sa kanyang kanta.
Sey niya sa inilabas na pahayag ng record label na UMG Philippines, “I hope that when they hear ‘Blow,’ it will make them dance the way they dance during Sinulog! I also hope it will make them laugh. The lyrics to me are so funny!”
Bukod sa masayang beat ng kanta, sinabi ng Cebuano singer-songwriter na tungkol din sa “women empowerment” ang nilabas na debut song, at sumasalamin din daw ito sa kanyang real-life experiences pagdating sa music industry.
Lahad niya, “You need to face life with a bring-it-on attitude. Having agency and freedom is the best feeling in the world! We should encourage young girls to sit down in the leader’s seat, too!”
“The main thing I want to achieve in my career is to make every song unforgettable. I want to make sure that my art is a gift to people to help their lives be better and brighter,” dagdag pa niya.
Para sa kaalaman ng marami, kakapirma lang ni Karencitta sa international record label na Def Jam Philippines, isang sublabel under UMG Philippines Inc. na hawak din ang ilang bigatin at sikat na artists gaya nina Rihanna, Jay-z, Justin Bieber at marami pang iba.
Hindi na bago sa music industry si Karencitta dahil nag-umpisa na siya noon pang 2009 na kung saan ay naga-upload lamang siya ng mga music cover at remix sa YouTube.
Taong 2016 naman nang matutong magsulat ng kanta ang Cebuana singer, hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na umanib sa nasabing international record label.
Related Chika:
Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital