Bb. Pilipinas kaisa ng ‘Earth Hour', nirampa ang eco-friendly na mga kasuotan | Bandera

Bb. Pilipinas kaisa ng ‘Earth Hour’, nirampa ang eco-friendly na mga kasuotan

Armin P. Adina - March 25, 2023 - 01:38 PM

Bb. Pilipinas kaisa ng ‘Earth Hour', nirampa ang eco-friendly na mga kasuotan

Sustainable fashion ang suot ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas pageant./ARMIN P. ADINA

NGAYONG gabi na ang ‘Earth Hour’ at nakikiisa sa adhikain ng kampanyang ito ang pinakamatagal nang national pageant sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan naman ng pagsusulong sa sustainability sa mundo ng fashion nang rumampa ang mga kandidata ngayong taon suot ang eco-friendly na mga gayak na likha ng local designers.

Itinanghal ng 2023 Bb. Pilipinas pageant ang “Women Reinvent” sustainable fashion show sa activity area ng Farmers Plaza sa Araneta City sa Quezon City noong Marso 24, kung saan itinampok ang mga likha ng walong Filipino labels—Pnay, Russ Cuevas, Adam Balasa, James O-Briant, Peñaflorida Atelier, Christine Lam, Kutur ni Jean, at Justine Aliman.

Tampok din ang accessories mula sa Tina Campos Jewelry at kay Christopher Munar, mga bag ng Ma. Delza’s Native Products, at mga sapatos ng Aishe.

Ang event ay bilang suporta sa local brands na nagsusulong din ng sustainability. At dahil maraming babaeng artisanong nabigyan ng trabaho ng mga ito, naging daan din ang Women Reinvent upang maipagdiwang ng Bb. Pilipinas ang “Women’s Month.”

Lahat ng rumampa ay sumailalim sa styling ni Patrick Henry at ng team niya.

Baka Bet Mo: Herlene Budol humakot ng special awards sa Bb. Pilipinas 2022; Gabriel Basiano tinuhog ang Best in Evening Gown at Best in Swimsuit

Kabilang diyan si 2021 Bb. Pilipinas International Hannah Arnold na tinapos ang show suot ang isang modern “Maria Clara” ni Aliman, isang mahaba at makinang na puting bestidang may kapares na alampay na sumayad hanggang sahig. Nabigyan ito ng kulay ng isang panuelong yari sa isang katutubong habi na pinalamutian ng beads.

Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold/ARMIN P. ADINA

Ipinaalala ng palabas sa mga manonood ang Earth Hour na naglalayong magpalaganap ng kamulatan hinggil sa climate change at sa masamang dulot nito. At kaisa ang Araneta City sa kampanyang ito, kung saan ipinapatay ang mga non-essential na ilaw nang isang oras upang hikayatin ang mga tao na magtipid sa kuryente, at makibahagi sa pangangalaga sa mundo.

Upang higit pang isulong ang sustainability sa pangunahing commercial and entertainment district, binuksan pa ang POP QC Eco Market sa Ali Mall, kung saan din mayroong bicycle phone charging stations. Mayroon ding “Trade-A-Bag” promo sa Farmers Plaza.

Hindi pa tinutukoy ng Bb. Pilipinas pageant kung kailan ang huling kumpetisyon at kung ano-anong titulo ang igagawad, ngunit nakatakdang itanghal ang coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Mayo.

Kasalukuyang reyna sina Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, at Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong.

Related Chika:

Daniel inialay kay Kathryn ang kantang ‘Last Night On Earth’ ng Green Day: You are the moonlight of my life!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong 4 years na sa ‘Amazing Earth’: Hindi lang ito trabaho sa akin, nagiging estudyante rin ako sa show na ito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending