HATID ng singer-songwriter na si Jeremy G ang kwento ng isang tao na nahihiyang umamin ng tunay na damdamin sa kanyang minamahal sa bagong kanta niyang “BINI” na mapapakinggan na simula ngayon, Biyernes (March 24).
“Coming from the break-up anthem ‘Sinayang Mo,’ I think that ‘BINI’ will give listeners a new feel and different side of me, since this song is basically about falling for a girl but being too shy to tell her face to face,” saad ni Jeremy.
Isinulat ni Jeremy ang dance-pop single na ayon sa kanya ay base sa personal na karanasan. Katulong niya ring sumulat nito sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Star Pop label head Rox Santos.
Iniaalay naman niya ang bagong awitin para sa mga pinanghihinaan ng loob na ipaalam ang kanilang damdamin.
“I feel like my advice would just be to follow your heart. It may sound cliche but you never know when’s the next time that you’ll feel that feeling again. Be genuine and show them that you have genuine intentions,” ani Jeremy.
Unang nakilala ang binata nang sumali siya sa “The Voice Teens Philippines” season 1 kung saan naging grand finalist siya sa ilalim ng grupo ni Sharon Cuneta. Inilabas naman niya ang kanyang unang single na “Sa’Yo” noong 2019 na tinanghal na Best R&B recording sa 33rd Awit Awards.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach ayaw nang bonggang-bonggang kasal: I want a really private and intimate wedding
Nakipag-collaborate din siya kasama si Kyle Echarri para sa awitin “Kahit Na Masungit” na nanalo bilang 2nd Best Song sa Himig Handog 11th Edition.
Noong 2022, iba’t ibang music at acting projects ang nagbukas para kay Jeremy. Nakapaglabas siya ng 13 singles kasama na ang kanyang debut EP na “maybe forever” at sinulat rin niya ang ilang sound track ng iba’t ibang serye pati na rin ang awiting “My Time” para sa “Idol Philippines” season 2 champion. Bumida rin siya bilang Stevie sa IWantTFC series na “Lyric and Beat” at siya mismo ang sumulat ng theme song nito kasama si Jonathan Manalo.
Pakinggan ang nakakakilig na mensahe ni Jeremy sa bagong single na “BINI” na available na simula Biyernes (March 24) sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Balik-tanong kay Jeremy kung sino ang inaalayan niya ng kanta niya.
“Siyempre aaminin ko naman there’s inspiration for this song. There’s a person that I wrote this to. But for me, if that person would want to know if the song is about her, I’d gladly tell her… But in terms of disclosing who this song is specifically for, it’s just between me and that person.
“Nakakatuwa and at the same time it’s funny seeing how many people are being guessed. Some people are taking na ‘yung ‘S’ na lumalabas sa cover art is a clue. Some are thinking na ‘yung outline mismo is a clue. Nakakatuwa the kind of guesses I see on social media,” sagot ng mang-aawit.
Related Chika:
Sharon sinisi sa pagkatalo ni Jeremy sa Voice Teens: Siya dapat ang i-coach, sintunado siya
Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: ‘Walang marriage proposal na nangyari’