MAY kaya sa buhay sina LA Santos, pangalawa sa tatlong magkakapatid na itinaguyod ng kanilang inang si Ginang Flor Santos.
Passion ng binata ang umarte kaya kahit ilang taon na siya sa showbiz ay hindi siya bumibitaw dahil naniniwala siya na kapag may tiyaga, may nilaga.
Hiningan ng reaksyon si LA tungkol sa waiting game niya bago dumating itong big break nila ni Kira Balinger sa pelikulang Maple Leaf Dreams na ididirek ni Benedict Mique under his Lonewolf Films in cooperations with JRB Creatives and Star Magic.
“Sorry po naging emosyonal ako kasi hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng big break ko po kasi gusto ko lang din talagang mapasaya ang nanay ko.
“Opo, habang buhay akong maghihintay (ng big break) at kahit tumanda na ako para lang sa big break na ‘yun. Saka hindi po ako titigil na matuto, magtrabaho talagang mahal na mahal ko po ‘tong trabaho kong ‘to, kailangan ko talagang maging patient,”seryosong natawa ang binata.
Sensitibong tao si LA at ramdam naming may mabuting puso ito kaya naniniwala kami na mabigyan ito ng chance at tamang materyal, lalaki ang pangalan nito.
At mas lalo pa kaming bumilib ng ikuwento niya kung ano ang ginawa niya sa first paycheck niya.
“Dinonate ko po. Ito ‘yung unang kita ko sa album ko sa Star Music. Nag-donate po kami sa foundation na Child Haus kay Mother Ricky Reyes. Doon ko po dinonate lahat ng suweldo ko. Hindi pa po ako kilala o nag-aartista, sa Child Haus po lagi na nila akong pinakakanta,” kuwento ni LA.
Anyway, sa Toronto, Canada ang shooting ng “Maple Leaf Dreams” dahil may programa ang bansa na puwedeng mag-apply for migration at student visa na pinatos nina LA at Kira at para mabuhay at matustusan ang pag-aaral nila ay kinailangan nilang mag-trabaho ng 20 hours or more.
Sa kaso ni LA ay hindi siya sanay sa odd jobs pero si Kira ay sanay na sanay dahil nga lumaki sa UK pero hindi raw sila mayaman at nagpunta nga ng Pilipinas to try her luck at heto nagtagumpay naman dahil unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niya.
Sa ginanap na storycon ng “Maple Leaf Dreams” ay excited sina LA at Kira dahil unang beses silang gaganap na bida sa pelikula, sabi nga ng binata ay gagawin niya best niya para sa pelikulang ito.
“Personally gusto naming maipakita sa pelikulang ito kung ano ‘yung mga pinagdadaanan ng mga Filipino, sobrang totoong nangyayari,” sabi ni LA.
Mapagdadaanan ng dalawa ang lahat ng hirap na dinanas ng mga kababayang Pinoy na nag-migrate sa ibang bansa partikular sa Canada bago nila na-establish ang buhay nila ngayon.
Lahat ng klase ng trabaho ay papasukin nina LA at Kira kaya naman ini-schedule sila ni direk Benedict na mag-immersion muna rito sa bansa bago sila lumipad for Canada para hindi sila mabigla roon kung ano ang ipagawa sa kanilang eksena.
Baka Bet Mo: Kira Balinger dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco: ‘Hindi ako kabit!’
Sabi nga ni Kira sa storycon, “Hindi pa nagsisimula ang immersion kinakabahan na ako.”
Pangako naman ni LA, “sabi ko naman sa kanya ‘wag siyang matakot kasi ihahatid ko naman siya at susunduin (magkaiba sila ng immersion).
Unang beses mag-shoot ng binata sa ibang bansa, “kabado at excited at the same time po saka alam ko namang maganda ang kakalabasan nito kasi direk Bene ito.”
Ano ang expectation ni LA sa nalalapit nilang shooting sa Toronto.
“Unang-unang lead ko po ito at unang experience na matagal ko ng dinadasal-dasal ito kaya lahat ng tulong kakailanganin ko po. Kaya sabi ko kay direk pag mabibigat na eksena, two days naming gagawin (natawa). Ang alam ko kailangan ko po ng guidance.
“Mag-acting coach (po sa akin) si Kira. Puso po ang ipapakita ko rito,” say ng binata.
Inamin naman din ni LA na may mga kaanak din siyang nag-migrate sa ibang bansa tulad sa Amerika at Australia.
“Pagma-migrate po para sa akin ay choice of lifestyle at hirap din sila sa simula,” say ng sktor.
Paano naman makaka-relate si LA sa karakter niyang Macky sa “Maple Leaf Dreams”.
“Bilang si Macky siguro makakarelate ako as strength at hardworking ng mga Pilipino. Very masacrifice po si Macky at ginagawa ko rin lahat para sa mahal ko sa buhay, so iyon po ang gusto kong maipakita bilang si Macky. I can relate in a way na masipag,” esplika ni LA.
Samantala, sa Mayo na ang lipad nina LA at Kira patungong Toronto, Canada habang si direk Benedict naman ay paalis na sa Linggo, March 26 para mag-ocular at the same time dalawin ang mag-ina niyang doon naka-base.
Related Chika:
LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi Sta. Maria; dream role ang maging anak ni Ian Veneracion