Elha Nympha nakapagtayo na ng negosyo sa loob ng UP sa edad na 18, pangarap magkaroon ng sariling resto

Elha Nympha nakapagtayo na ng negosyo sa loob ng UP sa edad na 18, pangarap magkaroon ng sariling resto

Elha Nympha

SA edad niyang 18, nakapagpatayo na ng sariling business ang Kapamilya singer at “The Voice Kids” champion na si Elha Nympha.

Bata pa lang ay talagang pangarap na ng dalaga ang magkaroon ng sariling negosyo kaya bang magkaroon ng chance, grab agad siya sa pagtupad ng pagiging isang entrepreneur.

Nagbukas last January si Elha at ang kanyang pamilya ng food stall sa loob ng University of the Philippines, ang Bien Fait.


Kuwento ng young singer, naisipan niyang magsimula ng maliit na business nang medyo lumaki-laki ang kita niya sa showbiz last year. Feeling niya kasi ito na ang tamang panahon para mag-start ng negosyo.

“Last year po napag-isipan ko po dahil medyo maraming events, marami ang earnings bakit po hindi ako mag-start ng business.

“If ever na malugi kaya ko naman po ma-recover. So sabi ko, ‘Mama, magbi-business po muna ako.’ Naka-ipon po ako for that like personal savings ko po,” pahayag ni Elha sa isang episode ng “Magandang Buhay.”

Baka Bet Mo: Elha Nympha pumalag sa mga bashers: Wala akong pake sa inyo except for my true fans

Matatagpuan daw ang kanyang food stall sa bagong bukas na canteen sa UP,  “Nag-start po ako nu’ng January 28, nag-soft opening po kami then February nag-grand opening po kami.

“Food stall po siya sa may UP. Parang ‘yung canteen na ‘yon is yung official na canteen ng UP na kaka-open lang, ‘yung Gyud Food katabi po siya ng Mang Larry’s.

“Tapos super dami ng food stalls, super ganda ng foot traffic kasi lahat ng students doon kumakain. ‘Yung sini-serve po namin ako po steak, kasi may business partner po ako,” kuwento ng dalaga.


Aniya, isa sa mga ultimate dream niya ay ang magkaroon ng sariling restaurant in the future, “Siyempre po very fulfilling at feeling blessed po kasi ‘yon ang isa po sa dream ko.

“Mahilig po kasi ako mag-multitask at marami po akong pinapangarap. And masaya po ‘yun na sa pagkanta ko po natupad ko po and ‘yung next na dream ko po is natupad ko po ulit. Parang ang saya,” pahayag pa ni Elha.

Matatandaang noong bata pa ang singer ay nagtitinda siya ng banana cue sa kanilang lugar para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay.

Sumikat si Elha nang manalo sa second season ng “The Voice Kids” noong 2015. Last year, ini-release ang kanta niyang  “Babalik” kasabay ng kanyang 18th birthday. The song was written and produced by Elha herself.

“Di ko ma-explain napi-feel ko now grabe first song na sinulat at ipinrodyus ko na-release na!

“Sa lahat ng bumubuo ng @umusic.ph maraming maraming salamat po at higit sa lahat mga Elhanatics thank u thank u so much,” ang post ni Elha sa Instagram.

Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

John Arcilla umaasa pa ring magkakaroon ng sariling pamilya sa edad na 56: Kayang-kaya pa, tsaka hindi naman ako baog!

Read more...