Kira Balinger dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco: ‘Hindi ako kabit!’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Roselle Vytiaco, Kelvin Miranda at Kira Balinger
“I DID not break them up and I’m very confident to say that ‘coz I do not steal man, I do not run after them, they come to me.”
Yan ang diretsong sagot ni Kira Balinger sa isyung siya ang dahilan kaya nahiwalay si Kelvin Miranda sa social media influencer at commercial model na si Roselle Vytiaco.
Pumutok ang balita noong Enero, 2023 dahil nahuli ni Roselle ang palitan ng mensahe nina Kelvin at Kira nang agawin ng una ang cellphone ng aktor.
Magkatrabaho sa isang pelikula noon sina Kelvin at Kira kaya naging magkaibigan sila pero ipinagdiinan ng Kapamilya actress na walang namagitan sa kanila ng aktor at hanggang chat lang sila.
Sa ginanap na storycon para sa pelikulang “Maple Leaf Dreams” na pagbibidahan ni Kira at ni LA Santos to be directed by Benedict Mique and produced by Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic, ay nakausap ng ilang reporters ang aktres.
Aniya, “Hindi po ako thirdwheel kung ano po ‘yung naging usapan ng ex nila wala po akong alam doon. Out na po ako doon. And if somebody Ate Gurl (Roselle) would talk to should be him (Kelvin).
“Pero ako from woman to another woman I understand that pain ‘uy bakit may ganyan’ pero ako honestly from may point of view wala po akong alam and I’m confident to say na hindi ako kabit kagaya ng sabi ng lahat like what she (Roselle) made me out of it. But on my side excluding her, may mali ako to be fair, hindi kami (ni Kelvin),” diin ni Kira.
Paglilinaw pa ng dalaga tungkol sa kanila ni Kelvin, “Chats lang iyon, those were chats ni minsan hindi kami lumabas together and in the lock in (shoots), we have our PA’s (personal assistants), it was always after the set go to the room sleep na honestly.
“I did not break them up and I’m very confident to say that ‘coz I do not steal man, I do not run after them, they come to me. And it was my mistake I entertained one man and I am sorry for that and I am making up it for it, I took accountability for my actions,” paglalarawan ni Kira sa senaryo.
Sa tanong kung friends pa rin sila ni Kelvin, “We still have lots of promotions (movie) to do, I think it’s more of work now. Of course may pinagsamahan of course with all the scenes that we had, siyempre nagkaroon ng friendship, that was friendship before everything with all those silly chats, pero ‘yung ngayon ay trust (nawala na), trust is a big thing, pero ayaw kong sabihin na ‘ey ayoko na sa ‘yo, work na lang (tayo).”
Inamin din ni Kira na sobra siyang nagalit sa ginawa ng ex-girlfriend ni Kevin na si Roselle dahil dinawit siya sa isyu kahit hindi naman totoo.
“Honestly, ayaw ko po talaga ng ganu’n issue homebody po ako. I don’t go out with my friends and to be drag into a situation like this na wala naman po akong ginagawa, I’m just working and nagkataon na nag-chat (lang).
“I thought it was very unfair that I was drag like that on social media and honestly, she could get herself in legal trouble for that, I’m sorry to say but who has the time for that? Okay, I understand your pain but it’s how you behave,” paliwanag ni Kira.
Sana raw ay kinausap na lang ang aktres ng ex-girlfriend ni Kelvin para magkapaliwanagan silang mabuti at mas maa-appreciate pa iyon ng dalaga.
“Like sophisticated women should do hindi iyong gagawing to put your problems in social media like that and encourage other people to do that na mali.
“Honestly, that’s big legal trouble but I choose not to because again I don’t have the time, I don’t have the energy, I’m busy and I have so many blessings coming my way dapat iyon po ang focus ko, so, (muwestra) dedma, it’s done! And definitely, I learned my lesson, so, I hope sila rin both of them,” sabi ng aktres.
Samantala, nag-script reading na sina Kira at LA para sa “Maple Leaf Dreams” base sa mga larawang ipinost ni direk Benedict sa kanyang Facebook account.
Ang caption niya, “The script reading where everything all at once the character is created.”
Nabanggit pa sa amin ng direktor at producer na mismong sina Kira at LA ang nagsabing mag-immersion sila bilang paghahanda sa karakter nilang Molly at Macky sa Maple Leaf Dreams na iso-shoot nila sa Toronto, Canada sa Mayo o Hunyo.