Netizens sa ‘face reveal’ ng 2nd baby nina Solenn at Nico: ‘OMG! May mini El Padre na!’

Netizens sa ‘face reveal’ ng 2nd baby nina Solenn at Nico: ‘OMG! May mini El Padre na!’

PHOTO: Screengrab from Solenn’s Instagram

TUWANG-TUWA ang madlang pipol sa latest social media post ng aktres na si Solenn Heussaff matapos ang “face reveal” ng second baby nila ng mister na si Nico Bolzico.

Sa pamamagitan ng Instagram Reel ay nagpakalat ng good vibes si Solenn habang ipinapakita ang close up video ng cute na cute niyang baby na si Maëlys Lionel.

Kalakip pa niyan ang caption na, “Always making us smile Maëlys [red heart emoji].”

As of this writing ay kaka-post lang ni Solenn ngunit bumuhos na ang libo-libong komento.

Marami ang nagsasabi na kamukha ng kanyang mister si Baby Maëlys!

Narito ang mga nabasa namin sa comment section:

Baka Bet Mo: Solenn Heussaff ibinandera ang pregnancy journey sa 2nd baby nila ni Nico Bolzico

“The moment she opened her eyes..nico na nico [happy face emoji].”

“The cutest! The design is very Nico [random emojis]”

“Finally showed to the world! OMG! May mini solen na, may mini El Padre pa! [red heart emoji]”

Kung matatandaan, noong December 14 ay excited na ipinost ni Nico na isinilang na ni Solenn ang kanilang ikalawang anak.

Kasabay din niyan ay ibinunyag niyang “Lionel” ang magiging second name ng kanilang baby na kung saan ay pinangalanan ito sa Argentinian professional footballer na si Lionel Messi.

Noong Hulyo ng nakaraang taon nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Ang gender reveal ay nakumpirma noong Setyembre.

Taong 2016 nang ikinasal sina Solenn at Nico.

Taong 2020 naman nang isinilang nila ang kanilang first baby na si Thylane.

Related chika:

Nico Bolzico pinaalalahanan ang madlang pipol: Let’s be aware of how blessed we are

Read more...