TULOY na tuloy na ang pagbibidahang pelikula ng singer na si Morissette Amon, ang musical film na “Song of the Fireflies.”
Kung maaalala, taong 2020 pa sana sinimulan ang taping nito pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi na ito itinuloy.
Anyway, ang exciting na balita tungkol sa upcoming film ni Morissette ay kinumpirma sa pamamagitan ng Instagram post ng singer-actress na si Rachel Alejandro na tampok rin sa pelikula.
Caption pa niya, “3 years after the pandemic put a pause to @songofthefirefliesmovie , a film that was being developed by the makers of @anglarawanmusicalmovie, we’re finally back on track with principal photography happening in a few weeks in Bohol and Manila.”
Katulad daw ng fans, excited rin mismo si Rachel para kay Morissette bilang lead actress.
“@itsmorissette fans, I’m with you – I can’t wait to see Mori slay as our lead actress,” saad ng batikang singer sa IG.
Baka Bet Mo: Kasal nina Morissette at Dave Lamar inulan nang bonggang-bongga, parang eksena sa pelikula
Maraming fans naman ang abang na abang na sa movie musical ng kanilang idol.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“I am so happy para sa lahat ng cast at mga tao sa likod nito lalong lalo na kay Mori! [red heart emoji]”
“OMG!! So it’s happening!!! So looking forward to it!!! Best of luck to the production!!!”
“The best things in life are worth the wait! This Morissette fan is over the moon!!!”
Bukod kina Morissette at Rachel, makakasama rin sa “Song of the Fireflies” sina Noel Comia Jr., Krystal Brimmer at Cris Villonco.
Ang upcoming film ay tungkol sa istorya ng Loboc Children’s Choir na itinatag noon pang 1980.
Para sa kaalaman ng marami, ang Loboc Children ay isa sa mga nangungunang children’s choir ng bansa na nakapagtanghal na sa iba’t-ibang bansa.
Ang mga kantang tampok sa musical film ay isinulat ni National Artist for Music Ryan Cayabyab.
Related chika: