Jodi mala-‘Masterchef’ sa bagong ganap sa life: ‘I’m learning new skills in cooking and baking’

Jodi mala-‘Masterchef’ sa bagong ganap sa life: ‘I’m learning new skills in cooking and baking’

PHOTO: Instagram/@jodistamaria

MAY bagong skills na pinag-aaralan ngayon ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria!

Siya ngayon ay abala sa kanyang cooking at baking classes sa isang culinary center.

Proud na ibinandera ni Jodi ang pagiging culinary student at inisa-isa pa sa Instagram post ang ilan sa mga natutunan niyang gawin.

Saad pa niya sa caption, “Started my week unlocking and learning new skills [white heart emoji] Enrolled at @cacsmanila to take up Certificate Program in Cooking and Baking Skills [like emoji].”

Lahad pa niya, “The beautiful thing about learning is that no one can take it from you [white heart emoji]”

Nabanggit din niya na ilan lamang sa mga achievement niya ay ang paggawa ng mayonnaise, pati na rin ang pagluto ng ilang putahe gaya ng Tenderloin Filet Mignon with sauce Bearnaise, Paella, Risotto at Baby Back Ribs.

Baka Bet Mo: Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Naturuan pa siyang mag-”plating” at nagbigay pa siya ng payo na, “Dapat may art and ‘wag ma-stress kasi mase-stress ang pagkain [smiling face emoji].”

Dahil sa bagong ganap ni Jodi ay maraming netizens nanaman ang na-inspire niya.

Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“How can you do that?? Working too much and non-stop studying!! Galing mo po!! You’re an inspiration [red heart emojis].”

“1000 percent bilib ako sayo idol. You are so busy in your career but still nagawa mo pang mag culinary class [clapping hands emoji] Kaya idol na idol kita eh [happy face emoji].”

“You are an inspiration. You never stop learning. Good for you!”

Matatandaang noong Enero lamang ay itinanghal na Best Drama Actress si Jodi sa 35th Star Awards for TV.

Kinilala siya para sa natatangi niyang pagganap sa Kapamilya series na “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Related chika:

Marvin umayaw sa teleserye: Hindi ko naramdaman na yun ang gusto ng puso at kaluluwa ko

Read more...