True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?

True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na 'What's Wrong With Secretary Kim'?

Kim Chiu at Deo Endrinal

TOTOO kaya ang chika na ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu ang napiling lead actress para sa Pinoy version ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim”?

Kalat na kalat na kasi ngayon sa social media ang balitang si Kim na ang bibida sa remake ng naturang South Korean drama na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Park Min-young.

Napanood ang K-drama na ito sa Kapamilya Network na naka-dub na sa Tagalog kaya naman na-excite nang bonggang-bongga ang mga fans ni Kim nang mapabalitang ang aktres nga raw ang gaganap sa karakter na pinasikat ng Korean actress na si Park Min-young.

In fairness, hindi pa man naipalalabas ang upcoming drama series ni Kim na “Linlang” kasama sina Maricel Soriano at Paulo Avelino, ay may bago na namang project ang girlfriend ni Xian Lim.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Kim ang litrato nila ni Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN. May mga pictures din siya kasama ang production staff ng Dreamscape.


Sabi ni Kim sa caption, “About last night! I am forever grateful.

“The people in these photos helped me become who I am today! Each and every person played a big part in who I am and helped me in my journey here in showbiz, it’s a tough world, but I am grateful to be surrounded by these incredible, limitless, and passionate people.

“Maraming maraming Salamat po. Especially to sir @deo_endrinal for all the love, trust, and care you have given me through the years. @dreamscapeph family, thank you.

Baka Bet Mo: Paul tinanggihan ang alok ng Marcos admin na maging press secretary, hirit ng netizens: ‘Bakit hindi na lang si Toni?’

“Plus, I passed by @direklauren birthday celebration last night with my @starmagicphils family! It was indeed a night to celebrate. Cheers to life and love!!! Looking forward for the months to come!

“As the saying goes, “Choose patience, and trust the process. Everything you worked on will come in your time,” aniya pa.


Wala namang nabanggit si Kim kung tungkol saan ang pakikipagkita niya kay Deo Endrinal pero ayon nga sa Facebook page na “HOLA,” si Kim daw ang bibida sa Pinoy adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim”.

Ito’y base na rin sa nakitang photo mula sa poster ng nasabing K-drama, sa telebisyon na nasa likuram nina Kim at Deo.

Ang tanong naman ng mga fans ni Kimmy, sino kaya ang mapipili ng Dreamscape para gumanap sa karakter ni Park Seo-joon?

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang pamunuan ng Dreamscape hinggil dito.

Kayo mga ka-BANDERA, may naiisip na ba kayo kung sinong Kapamilya actor ang pwedeng makatambal ni Kim sakaling totoo nga na bibida siya sa Pinoy version ng “What’s Wrong With Secretary Kim”?

Kris muling rumesbak sa nang-okray kay Bimby: You are bullying the wrong boy!

Angel: Kung ako ang presidente ng Pilipinas, yes I will fire Secretary Duque

Read more...