Yassi malalim ang hugot laban sa mga Marites: ‘Maka-judge…baka i-limit ko na ang comments section ko kung may hurtful words’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Yassi Pressman, James Reid at Issa Pressman
MATALIM at mukhang may pinatatamaan ang hugot ng TV host-actress na si Yassi Pressman tungkol sa mga taong nagkukuntsaba para lang makasakit ng ibang tao.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang aktres kahapon ng isang mensahe na may kaugnayan sa mga taong pumapayag maging bahagi ng tinawag niyang “fake conspiracies.”
Ito’y sa gitna na rin ng kontrobersyal na isyu sa pagitan ng kapatid niyang si Issa Pressman at ng singer-actor record producer na si James Reid. Balitang nagkakamabutihan na raw ang dalawa kaya naman todo react ang mga JaDine fans.
At mukhang totoo ngang magdyowa na sina James at Issa matapos mag-viral ang litrato nilang magka-holding hands. Mismong si Issa ang nag-post nito sa kanyang Instagram page last March 16.
Sa isang tweet naman, sinagot ni James ang mga akusasyon ng netizens na si Issa nga ang dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Nadine Lustre.
“I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.
“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful.
“And I’m not gonna let anyone take that from me. To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest … I’ve ever been,” sabi ng binata.
At kahapon nga, nag-tweet din si Yassi ma pinaniniwalaang para sa mga taong nangnenega at nanghuhusga sa kapatid niyang si Issa at James.
“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people.
“Let’s stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts, ‘cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud?” sabi ng aktres.
Sa isa naman niyang post sa Instagram, may hugot din si Yassi about personal relationships. Tigilan na raw sana ng mga netizens ang pagpapakalat ng mga fake news dahil wala naman alam ang mga ito sa personal nilang buy.
“Smiling cause you don’t know anything about our personal relationships.
“(B)aka rin i-limit ko ang comments section kung may hurtful words, I only welcome positivity, love & kindness here. peezawt!” dugtong pa ng dalaga.
Matatandaang noong 2020, ay nagsalita rin si Issa nang madamay siya sa breakup nina James at Nadine. Aniya, “If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick.”
Sa ngayon ay maligaya na si Nadine sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou na naka-base sa isla ng Siargao.