Bagong music video ni Meghan Trainor trending sa YouTube, tampok si Kris Jenner

Bagong music video ni Meghan Trainor trending sa YouTube, tampok si Kris Jenner

PHOTO: Couretsy Sony Music

MATAPOS mangibabaw sa Philippine charts ang TikTok hit na “Made You Look,” naglabas ng bagong kanta ang award-winning global superstar na si Meghan Trainor.

Ito ang kantang “Mother” na inilabas noong March 13 – isang buwan matapos i-anunsyo ang kanyang pagbubuntis sa second baby nila ng mister na si Daryl Sabara.

As of this writing, kasama sa trending for music ng YouTube ang bagong kanta.

Mapapanood pa sa inilabas na music video ang ultimate celebrity “momager” na si Kris Jenner na kung saan ay makikitang nakikipagsayaw pa ito sa kanya.

Sa isang pahayag na inilabas ng Sony Music, sinabi ni Meghan na ginawa niya ang bagong single para sa mga taong mababa ang tingin sa kanya.

“I’m beyond excited to finally share ‘Mother’ with the world! This song is my response to being in the industry for almost a decade now and still finding myself in situations where I am talked down to or made to feel like my opinion isn’t valid,” paliwanag ni Meghan.

Dagdag pa niya, “It’s for anyone who is in a situation where they feel like they are being mansplained to and want to take their power back.”

Ang “Mother” ay kabilang sa kanyang 16-track album na pinamagatang “Talkin’ It Back” (Deluxe Edition).

Related chika:

Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

Read more...