MAINIT na usapan ngayon ang mundo ng pageantry at social media ang video ng Zoom meeting ng ilang kandidata sa katatapos lang na Miss International Queen 2023 kung saan makikitant nag-aaway sina Lars Pacheco at Anne Patricia Lorenzo.
Bagamat hindi kita ang mukha ay halatang si Anne ang may hawak ng cellphone habang nakikipag-usap sa mga kandidata.
Kabilang rin sa Zoom meeting si Lars na siyang hinirang na Miss International Queen Philippines 2023.
Mukhang nasa kalagitnaan na ng diskusyon ang mga kandidata nang simulan ang video dahil nagkakainitan na ang dalawa kaya hindi na matukoy kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng sagutan nila.
Pero base sa video ay kinumpronta ni Anne si Lars patungkol sa mga sinasabi nito sa kanilang choreographer sa nagdaang kompetisyon.
“Consistent na late ka at alam ng mga girls yan na ikaw lang lagi ang inaantay. I didn’t brought up na ikaw ang laging late, it’s Teacher Devon who asked me na bakit consistent na late ka. I was just, like, ‘O, mangyayari na naman katulad yung last year, sila yung mga late sa rehearsals.’ Not particularly you, ha,” saad ni Lars.
Aniya, hindi rin daw niya binanggit ang pangalan ni Anne pero lagi raw itong nako-call out sa pagiging late tapos hindi pa makasunod sa mga dance steps.
“Minsan nahihiya na lang si Teacher [Devon] sa ‘yo kasi may pangalan ka na. But admit it to yourself na hindi ka marunong magsayaw,” pagpapatuloy ni Lars.
“Magaling ka ba magsayaw, Lars? Magaling ka ba magsayaw, Lars? Lars, nakakasunod ka ba? Huwag mo ako pagsalitaan ng ganyan, Lars, because last year you are the one who always called out kaya nagtatago ka sa likod kasi ayaw mong makita.
“And it’s not even your problem kung late ako. Kung maaga ka, e, di mag-practice ka mag-isa,” mahabang talak ni Anne Patricia.
“That’s why I improved this year and that’s why I won,” proud na sey ni Lars.
May isa namang sumingit sa usapan kung saan minura siya sabay sabing “Binili mo ang korona!”
Baka Bet Mo: Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman
Agad namang sinaway ni Anne Patricia ang nagsalita at sinabing ibang isyu ang ibinabato niya kay Lars.
“Huwag mo akong sisihin. Huwag mo akong idiin sa issue. Nag-message-message ka pa sa akin, anong tingin mo sa akin? Uto-uto? Kung buang ako, mas buang ka, ‘Day!'” sagot naman ni Lars.
Resbak naman ni Anne, “Ang kapal ng mukha mo, Lars! Isa lang ang sasabihin ko. There’s so many things na puwede akong magalit sa yo pero para i-brought up mo yan at sabihin mo yan sa akin, sa production number, alam mo ang puwede kong isipin sa yo, anong gusto mong isipin ko sa yo kung dun pa lang sa maliit na bagay, di ba?”
Dapat raw at sinabi na lang nito nang personal ang isyu lalo na’t magkaibigan naman sila bago pa ang kompetisyon.
May nagtanong naman kung sino ang nagsabi kay Lars na binili nito ang korona at nakilalang si Juliana Parizcova Segovia ito na kasama ni Anne sa kwarto.
“Ok lang naman, e. Wala akong pakialam sa bilihan ng korona, e. If that’s her way na manalo, gawin mo na lang na maayos na wala kang tinatapakang ibang tao,” sey ni Anne.
Samantala, umalis naman na si Lars at iniwan ang mga kandidata sa zoom meeting.
“Bakit umalis siya? Yan ang sasabihin ko, e, after niya magsalita, e. Alam niya ba ang dahilan bakit ako late? Dahil nawalan na ako ng gana sa kumpetisyon just because may mga nakarating na sa akin. Pero hindi ko siya kinumpronta o hindi ako gumawa ng any eksena. Tinapos ko ng maayos ang contest,” talak pa ni Anne.
Matatandaang si Lars ang kinoronahan bilang Miss International Queen Philippines 2023.
Si Michelle Bermudez naman ang 1st runner-up, 2nd runner-up si Barbie Alawi, 3rd runner-up si Anne Patricia at 4th runner-up naman si Tamira Willis.
Wala pa namang statement si Lars hinggil sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng lahat ng sangkot sa kasalukuyang isyu.
Related Chika:
Lars Pacheco wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023