Lindsay Lohan ‘excited’ sa first baby nila ni Bader Shammas

Lindsay Lohan ‘excited’ sa first baby nila ni Bader Shammas

PHOTO: Instagram/@lindsaylohan

ISA nang ganap na ina ang Hollywood actress na si Lindsay Lohan!

Inanunsyo ng aktres sa social media na ipinagbubuntis niya ang first baby nila ng mister na si Bader Shammas.

Sa Instagram, ibinandera ni Lindsay ang litrato ng isang baby onesie at may naka-print pang “coming soon…”

Mababasa din sa caption ng post ang katagang, “We are blessed and excited!”

Bumuhos naman ang “well wishes” sa comment section mula sa kanyang bigating kaibigan at celebrities.

“Congratulations love! So happy for you! Welcome to the Mommy Club!,” sey ng socialite na si Paris Hilton.

Baka Bet Mo: ‘Mean Girls’ star Lindsay Lohan ikinasal na kay Bader Shammas: I’m the luckiest woman in the world!

Comment naman ng American actress na si Bella Thorne, “OMG Congrats! [red heart emojis]”

Narito naman ang komento ng ilang excited fans:

“My entire generation is loving this right now. I can guarantee it [happy face with hearts emoji].”

“I’m thrilled for you!!!! So exciting [red heart emojis].”

“Imagine your mother being the woman that gave us mean girls, freaky friday, the parent trap and confessions of a teenage drama queen… iconic [red heart emoji].”

Matatandaang taong 2022 ay ikinasal si Lindsay at Bader matapos ang isang taong engaged.

Si Bader ay isang Emirati businessman-financier at assistant vice president ng isang international wealth management company based in Dubai, United Arab Emirates.

Unang nakilala naman ang aktres bilang child star sa Disney film na “The Parent Trap” at mas lalo pa siyang sumikat nang gawin niya ang “Mean Girls.”

Related Chika:

Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Read more...