Camille agree sa payo ni Maine sa nanay na nag-viral sa ‘Bawal Judgmental’, hindi raw pinilit ng magulang na mag-artista: ‘Ginusto ko naman yun!’

Camille agree sa payo ni Maine sa nanay na nag-viral sa 'Bawal Judgmental', hindi raw pinilit ng magulang na mag-artista: 'Ginusto ko naman yun!'

Camille Prats at Maine Mendoza

AGREE ang Kapuso TV host-actress na si Camille Prats sa naging hugot ni Maine Mendoza sa isang episode ng “Bawal Judgmental” sa longest-noontime show na “Eat Bulaga” kamakailan.

Nag-viral ang payo ni Maine sa isang nanay na kasali sa “Bawal Judgmental” na huwag munang iasa at ipasa sa mga anak ang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Mensahe ng nanay sa kanyang anak, “Ace, sana mag-aral ka nang mabuti dahil alam kong ikaw ‘yung makakaahon sa amin sa kahirapan. Ikaw ‘yung pursigido para gumanda ‘yung buhay natin. Tsaka bata ka pa, kahit bata ka pa may pangarap ka na talaga.”

Ang reaksyon naman ni Maine, “Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya ang responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni mister.


“Tsaka bata ka pa Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay,” pahayag pa ni Maine.

“Tuparin mo ‘yung pangarap mo Incess, ha? Para sa mga anak mo rin ‘yan,” ang pagsang-ayon naman ng “Eat Bulaga” co-host na si Ryan Agoncillo.

Sa guesting ni Camille sa “Fast Talk With Boy Abunda”, natanong nga siya tungkol sa nasabing isyu dahil nga bata pa lang ay nagtatrabaho na rin siya.


Sey ng dating child star, sang-ayon siya sa mga naging pahayag ni Maine pero nais niyang linawin na siya raw talaga ang may gustong mag-artista at never siyang pinilit ng mga magulang na mag-showbiz.

Baka Bet Mo: Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

“Naniniwala ako na tama ‘yon, kasi as a child, as a child star, ginusto ko ‘yon eh. Kaya nga sinasabi ko sa mommy ko, ‘You know mom, I’m so blessed and I’m so fortunate that at the age of 4 years old, sinabi ko sa ‘yo na gusto kong mag-artista. Naniwala ka sa akin,’” pahayag ni Camille.

Aniya, hindi rin iniasa ng kanyang pamilya ang kanilang kabuhayan sa pag-aartista niya.

Sabi naman ni Tito Boy, hindi tamang sabihing ang pagsabak sa pag-aartista ng ilang celebrities ay paraan upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya dahil hindi madaling trabaho ang pagso-showbiz.

Reaksyon ni Camille, “Malalakas pa tayo, marami pa tayong puwedeng gawin.”

Ipinagdiinan din ng aktres na hindi rin niya naramdaman kahit kailan na ninakaw ang kanyang kabataan noon dahil sa maagang pagtatrabaho bilang artista.

Jake Ejercito: I agree naman na momshie knows best, pero…

Kim muntik nang manirahan sa Canada dahil sa mga judgmental: Yung tingin nila sa akin, ang bobo ko

Read more...