Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Liza Soberano
ILANG linggo nang viral at trending ang pangalan ni Liza Soberano sa social media at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang pinag-uusapan ng sambayanang Filipino.
Nag-ugat ito sa mga pasabog niyang rebelasyon sa kauna-unahan niyang vlog sa YouTube, kabilang na ang mga naging patutsada niya sa ABS-CBN at sa dati niyang talent manager na si Ogie Diaz.
Marami nang nagsalita at nakisawsaw sa mga kontrobersyal na pahayag ni Liza sa kanyang “This Is Me” vlog pati na sa naging panayam niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” at sa vlog ni Bea Alonzo.
At habang patuloy ngang nagpapa-interview ang girlfriend ni Enrique Gil ay hindi rin natatapos ang pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga netizens pati na ng mga taong nakatrabaho niya noon.
Sa final part ng panayam ni Boy Abunda kay Liza sa “Fast Talk” ng GMA 7, ay marami na namang rebelasyon ang dalaga kabilang na ang tungkol sa kanyang talent fee at ang pangongolekta ng komisyon ni Ogie Diaz.
Ayon kay Liza, hindi totoong 40% ang kinukuhang komisyon sa kanya ni Ogie, “I started with him at 12 (years old) and about 2015-2016 when I was 17, 30% po iyong komisyon niya sa akin, my tita Joni (pinsan ng tatay niya) was taking 20% and Star Magic was taking 10%.”
Ang natitira na lang sa dalaga ay 30% dahil nagbabayad pa siya ng US at Philippine tax dahil nga US and Filipino citizien siya, “My tita Joni started feeling bad for me for that situation, so, nag-usap po sila ni tito Ogie na bawasan na lang ‘yung commissions nila for me because they felt I deserved more since I was putting in a lot of work.
“Eventually naging 20% na lang po si tito Ogie, and si tita Joni naging 15% tapos ang bawas niya after tito Ogie’s take his commission and Star Magic was still 10%. Pero ang Star Magic hindi kumukuha ng komisyon if it’s money coming from ABS-CBN. Sa movies, hindi po sila kumukha ng komisyon it’s from endorsements,” ani Liza.
Samantala, natanong din sa aktres ang tungkol sa desisyon niyang iwan ang career niya sa Pilipinas para sa kanyang Hollywood dream. Ang diretsahang question sa kanya ni Tito Boy, “What if you fail?”
Sagot ni Liza, “At least I tried. At least wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan ito, na ‘I didn’t give my all, I didn’t give myself the chance to discover what it is that makes me happy, what I find fulfillment in.'”
Nilinaw uli ng aktres ang isyu na hindi siya naging masaya sa naging journey niya bilang artista sa Pilipinas, “I experienced some of the best things in life because of that.
“And I left it happy. I left it fulfilled. But that doesn’t mean I can’t want more. It doesn’t mean that people can’t change, and want growth and new experiences,” sabi pa ni Liza.
Baka Bet Mo: Liza Soberano dinenay na hiwalay na sila ni Enrique Gil: We’re totally fine, he’s very supportive pa rin
Kinumpirma rin ng dalaga na nag-audition na siya sa Hollywood at hinding-hindi raw niya makakalimutan ang mga naging experience niya roon.
“Mahirap pero gusto ko. I like challenging myself. I love na andon ako, that nobody is treating me with privilege. I like that,” sabi ni Liza.
“Nagtatampo po ako sa kanya because a few weeks ago before ko i-release ‘yung vlog ko, actually binlak-out ko ‘yung social media ko, nag-message pa po siya ng, ‘anak may tumutulong na ba sa ‘yo to get you social media accounts back kasi akala niya na-hack ako, so, we were okay.
“So, I don’t understand why he is choosing to fight me, it feels like he’s trying to fight me or trying to ruin me. I never say bad, a single bad thing about him,” kuwento ni Liza.
Kaya ang tanong ni kuya Boy ay paano nasabi ni Liza na trying to fight or trying to ruin ng dati niyang manager, “Because he’s saying so many things that are untrue!” sagot ng dalaga.