Kris Bernal grabe ang morning sickness: I experience nausea all day, every day!

Kris Bernal grabe ang morning sickness: I experience nausea all day, every day!

PHOTO: Instagram/@krisbernal

CHALLENGING para sa aktres na si Kris Bernal ang pagbubuntis sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa Instagram, ibinandera ni Kris ang kanyang baby bump habang nakasuot ng pink dress.

Kahit kitang-kita ang pagiging blooming ng soon-to-be-mom ay inamin niyang hindi madali ang pinagdadaanan ngayon.

Ayon kasi sa kanya, madalas siyang makaramdam ng tinatawag na “morning sickness” o ang kombinasyon ng pagkahilo at pagsusuka dulot ng pagbubuntis.

Nanghihingi pa nga siya ng mga payo upang labanan ang nararamdamang morning sickness.

Caption niya sa IG post, “Felt cute. Might throw up later. [dizzy emoji] Honestly, pregnancy does not look as cute in real life as it does on IG, atleast not for me! Thanks to nausea!”

Baka Bet Mo: Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

Dagdag pa niya, “I’m in my second trimester, but I still experience nausea all day, every day. What’s your go-to remedy to fight morning sickness?”

To the rescue naman ang ilang netizens at nagbigay sila ng tips upang matulungan si Kris sa mga pagbabago na nangyayari sa kanya bilang first time mom.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming payo sa comment section:

“Make sure to have small frequent feedings. You can also eat dry crackers especially in the morning [happy face with hearts emoji].”

“May med na pwede i-take before meal para makakain ka. Ask your OB about it. I had it before sa eldest ko and it helped ease my morning sickness…”

“Currently on my 2nd tri (20 weeks) and as soon as reach the 2nd tri no more nausea and nabawasan na din ang sobrang sensitive sa amoy… try small frequent meal, and any candy with ginger flavor.”

Magugunitang inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Sinabi pa ng aktres na mapalad sila dahil pinagkalooban sila ng biyaya ng Panginoon.

Related chika:

Iya umaming mas hirap ipagbuntis ang ika-4 na baby: Grabe yung morning sickness ko ngayon

Read more...