Matinding training ng P-pop group na HORI7ON sa Korea gagawing reality show; pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, MLD trending worldwide
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
HORI7ON
PINATUNAYAN ng pinakabagong Kapamilya P-pop group na HORI7ON na talagang matindi na taglay nilang powers nang pumirma na sila ng exclusive contract sa ABS-CBN at management company na MLD Entertainment.
Hindi lang sa Twitter Pilipinas naging top trending topic ang HORI7ON kundi maging sa buong mundo gamit ang titulong “HORI7ON, Onward: The Contract Signing.” Ibig sabihin talagang kilalang-kilala na sila all over the universe.
Last Friday, March 10, matatawag na ngang certified Kapamilya at MLD artists ang grupo na kinabibilangan nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda.
Sila ang itinanghal na Dream 7 ng kauna-unahang idol survival show ng bansa, ang “Dream Maker” na napanood nang ilang buwan sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Mula sa mahigit 60 na contestants, silang pito ang pinili ng madlang pipol matapos sumabak sa matitinding misyon at challenge sa tulong ng Pinoy at Korean mentors na sina Angeline Quinto, Darren Espanto, Bailey May, Thunder, Bae Wan Hee, Bull$eye, at Bae Yoon Jung.
Present din sa contract signing ng HORI7ON sina Star Magic and Entertainment Production head Lauren Dyogi, ang mga business unit heads na sina Reily Santiago at Marcus Vinuya, at ang CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin.
Ibinalita ng grupo sa kanilang fans na bago sila magtungo sa South Korea para sa kanilang training, mag-iikot muna sila sa Pilipinas ngayong Marso hanggang Abril. Magpe-perform sila sa Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Koronadal, Gensan, at Zamboanga.
Ang gagawing training ng pitong miyembro ng grupo ay mapapanood din sa pamamagitan ng isang reality show, leading up to their official launch in Korea, this year.
Sa naganap na presscon ng HORI7ON ay ipinalabas din ang kanilang pre-debut teaser para sa music video ng kanta nilang “Dash” na isinulat ng Korean mentor nila sa “Dream Maker” na si Bull$eye.
“Itong day na ito ‘yung nagso-solidy sa amin as a group kasi nase-cement na talaga namin ‘yung place namin sa representation namin sa global stage for the Philippines. We’re so excited na magpatuloy pa ito,” ang pahayag ni Vinci.
“This is definitely one of the most special days, important days as a group HORI7ON. I think, it’s a blessing that we all just came from joining ‘Dream Maker’ and we were the chosen seven to continue our dreams,” sey naman ni Marcus.
Sabi naman ni MLD Entertainment CEO Lee Hyoungjin, “I think the HORI7ON is a group that has best qualities of K-pop, what makes a K-pop group and P-pop group.
“With that, both of the best qualities of K-pop and P-pop, HORI7ON is the first group ever to be showcasing both of these qualities to the global world,” aniya pa.
Siniguro naman ni Direk Lauren Dyogi na ang HORI7ON ay iba pa rin sa Kapamilya P-pop group na BINI at BGYO. Bukod sa iba ang packaging ng grupo ay mismong ang publiko at fans ang pumili sa mga miyembro nito.