Yorme super enjoy sa pagiging lolo, pinuri si Joaquin bilang responsableng tatay; Bakery Fair 2023 tagumpay

Yorme super enjoy sa pagiging lolo, pinuri si Joaquin bilang responsableng tatay; Bakery Fair 2023 tagumpay

Joaquin Domagoso at Isko Moreno

PROUD na proud si dating Manila City Mayor Isko Moreno sa kanyang anak na si Joaquin Domagoso dahil sa pagiging masipag at responsableng tatay.

Naniniwala si Yorme, na ginagawa ni Joaquin ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak nila ni Rafa Castro na si Baby Scott.

“Joaquin is of age already. He’s trying to make a living. He can do whatever he wants to do with his career, and I’m supporting it, and I’m proud of him,” ang pahayag ni Isko patungkol sa anak na isang batang ama.

Hindi lang sa pagiging mapagmahal at hands-on tatay ni Joaquin bilib si Yorme kundi pati na rin sa talento nito sa pag-arte. Ilang acting awards na ang natanggap ng Kapuso actor nitong nagdaang taon.

“In fact, ‘yung nakuha niyang recognition as an artist, hindi ko nakuha ‘yun. Lahat noong araw puro nomination lang ako, at siya nanalo.

“Tsaka international pa, so I’m proud of him, and I’m excited for him. I wish him all the best and wala siyang maririnig, at wala siyang narinig about him going in the other side. He can do whatever he wants to do as an artist,” sey pa ni Yorme.


Tungkol naman sa pagiging lolo, “Masaya, isang linggo akong nag-alaga. Oo, as I have told you, you’ve seen me for so many interviews during the campaign.

“As I have said, life is life. Remember that situation of mine when I was being grilled on a particular issue.

“So having said that simply, Scott is a blessing, I look at it as a blessing. Mahirap ang buhay but life must go on.

“Tulad ng sa ibang pamilya, ang hirap ng buhay ng tao ngayon. But, I enjoy it, I’m happy spending more time with them and that includes Scott,” pahayag pa ng dating alkalde ng Maynila.

Samantala, muli naming nakita si Yorme sa World Trade Center sa Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City, kung saan isa siya sa mga naging special guest sa ginanap na Bakery Fair 2023 last March 4.

Sen. Koko Pimentel, Isko Moreno at Rep. Yul Servo

Success ang isinagawang Bakery Fair 2023 na pinangunahan ni Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) President Gerik Chua at iba pang officers  na dinaluhan din ng maraming baking, pastries, at food enthusiasts.

Bukod kay Isko, sumuporta rin sa Bakery Fair 2023 sina Vice-President Sara Duterte Carpio, Sen. Imee Marcos, Sen. Loren Legarda, Sen. Mark Villar, Sen. Koko Pimentel, at Cong. Yul Servo.

Binati nila ang FCBAI sa pag-oorganisa ng Bakery Fair 2023 at sinuportahan ang revival ng Philippine bakery industry at ang Philippine economy.

May 136 exhibitors ang nakiisa sa naturang event kaya naman napuno ang 10,000 square meters o ang isang ektaryang laki ng World Trade Center.

Baka Bet Mo: Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!

Nagkaroon din ng educational technical seminars mula sa iba’t ibang top bakery industry-related companies, bakers, chefs, at experts.

Ito ang pagbabalik ng Bakery Fair pagkaraan ang apat na taong hindi naisagawa dahil sa  global pandemic.

Ang Bakery Fair ay biennial civic project ng FCBAI para mai-promote at ma-uplift ang Philippines bakery industry at masuportahan ang socio-economic development.

Isa sa exciting events sa Bakery Fair 2023 ay ang FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition 2023 na nag-showcase ng exciting at napakagagandang wedding cake na tamang-tama sa temang “Kasalang Pinoy.” Ang nagwagi rito ay nakatanggap ng P80,000.

Ang Angel Cup-Bread Display Competition ay nagpakita naman ng paggawa ng Bread Showpiece, Artisan Bread, Healthy Bread, at Sweet Dough with dough filling.

Ang FCBAI ay parte ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), ang umbrella business at civic organization ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce and trade organizations mula Aparri hanggang Tawi-Tawi.

Ayon sa kasaysayan, ang mga Chinese migrants ang isa sa pinakaunang bakers sa Pilipinas noong Spanish colonial era, at siya ring nagdala ng harina sa bansa.

8 best bonding ideas for an awesome Mother’s Day celebration

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Read more...