Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Chavit ipinagamit sa 'Probinsyano' ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Chavit Singson, Lee Seung-gi, Luis Christian Singson at Coco Martin

NARVACAN, Ilocos Sur — Isa-isa  naming binisita ang mga makasaysayang lugar na ginamit ng team ni Coco Martin sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nabigyan kami ng chance na makapunta at malibot ang location ng historical Kapamilya action-drama series na “Ang Probinsyano” na tumagal nang pitong taon sa telebisyon.

Ang tinutukoy namin ay ang tinatawag na Sulvec Greece na matatagpuan sa Narvacan, Ilocos Sur. Ito’y pag-aari ni dating Gov. Chavit Singson na talaga namang mapapanganga ka na lang sa sobrang ganda.

In fairness, nakaka-goosebumps lang habang iniikot namin ang nasabing lugar habang inaalala ang mga pasabog at viral na eksena sa dating primetime series ni Coco.


Kuwento ni Gov. Chavit, hindi siya nagdalawang-isip na ipagamit sa  produksyon ng “Ang Probinsyano” ang kanyang multi-million peso-property sa Ilocos dahil talagang nais din niyang makatulong sa entertainment industry, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Sa katunayan, hindi na niya pinabayaran sa ABS-CBN ang paggamit ng kanyang napakalawak na mansiyon. Pati raw ang ibang production na nagsu-shooting doon ay libre rin.

“Basta ang sa akin lang makatulong tayo, and ma-boost yung tourism sa Pilipinas. Hindi naman laging pera-pera lang.

“And pandemic din kasi nu’ng magsimula silang mag-shooting dito, naka-lock in sila kaya tulong na rin natin,” paliwanag ni Gov. Chavit.

Baka Bet Mo: Chavit sa banggaan nila ng anak sa 2022: Ang tatay ang magtuturo sa anak, hindi anak ang magtuturo sa tatay…

Bukod sa Sulvec Greece, nakapunta rin kami sa Baluarte resort at mini zoo ng dating gobernador, kung saan makikita si King, ang napakalaking white lion na limang taon na ngayon. Buong-tapang talaga kaming nagpa-picture kay King na isa sa main attraction doon.

Na-experience rin namin ang magpakain sa mga giraffe na naroroon, sina Sexy, Patty at Jopay. Meron din silang mga alagang deer, sheep at mga ostrich.

At in fairness, libre rin ang pagpasok sa Baluarte zoo ni Gov. Chavit at 10 taon na raw itong bukas sa publiko na nais bumisita at makita ang mga hayop na kanilang inaalagaan.

Nito lang nagdaang Biyernes, March 11 ay nag-viral ang litrato ni Gov. Chavit kasama ang Korean superstar na si Lee Seung-gi na kuha sa kanyang mansiyon sa Narvacan.

Ayon sa dating gobernador, “I sent my jet  to Korea to pick him up. He is now in Narvacan as my guest but  going home tonight. He’ll be back soon to do some projects here in the Philippines.”

Nag-post din ang anak ni Chavit na si Luis Christian sa Facebook ng litrato nila ng Korean actor at singer. Aniya sa caption, “Na kasama po namin kumaen si Lee Seung-gi mag lunch, sobra bait at humble nya.”

Si Lee Seung-gi ang bumida sa hit Korean series na “Vagabond”. Huli siyang bumisita sa Pilipinas noong 2019 para sa kanyang fan meet na “Vagabond Voyage,” na ginanap sa New Frontier Theater.

Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: ‘Because friendship is stronger than politics’

Singson planong karirin ang pagpo-produce ng K-drama; na-inspire nga ba sa tagumpay ng Squid Game?

Read more...