Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jason Hernandez at Moira dela Torre
“I’M good, walang bitterness. Pero gets ko naman na nasaktan siya,” ang paglalarawan ng singer-songwriter na si Jason Marvin Hernandez sa kanyang buhay ngayon.
Ito’y makalipas nga ang ilang buwan mula nang maghiwalay sila ng kanyang estranged wife na si Moira dela Torre dahil sa pagiging “unfaithful” niya.
Nakachikahan ng BANDERA si Jason kamakalawa, March 11, sa grand mediacon ng latest GMA Public Affairs at VIU Philippines series na “The Write One”.
Si Jason ang nagsulat at kumanta ng theme song ng programa na may titulong “Oras.” Nag-perform siya sa presscon bago ipinalabas ang first two episodes ng “The Write One.”
Pero nga siya sumampa on stage ay nakausap muna namin siya at natanong tungkol sa kanyang career at personal life, kabilang na nga ang tungkol sa kanila ni Moira.
Ibinalita ni Jason na pitong buwan siyang nanirahan sa El Nido, Palawan. Nakapagpundar na rin daw siya roon ng maliit na business. Bumabalik lang siya sa Manila kapag may trabaho.
“Pumunta ako du’n. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa du’n, ang dami kong naging kaibigan.
“Du’n ko na-realize na you don’t need a lot of things pala para maging masaya. Limang t-shirts, dalawang shorts, apat na briefs, okay na. Ang saya! Sobrang saya!
“Gets ko si Kuya John Lloyd (Cruz) kung bakit siya lumipat du’n. Sobrang simple,” ang pagbabahagi ni Jason.
Pagpapatuloy ng singer, “Ngayon, alam ko na yung importante sa buhay. Just friends, family, di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.”
Sunod na tanong namin sa kanya kung masasabi niyang naka-move on na siya totally sa breakup nila ni Moira, “I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na.
“Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,” ani Jason.
Ano naman ang mga reaksyon niya sa mga parinig sa kanya ni Moira sa mga concerts nito na kahit wala itong binabanggit na pangalan ay obvious namang puro patungkol sa kanya.
“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it. May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Ganu’n kasi ako, e. Never niyo maririnig na gaganti ako.
“Naniniwala kasi na si God na bahala sa kanya. Siya na yung mag-aano…I really don’t need to defend (myself pa),” pahayag pa ni Jason.
Tungkol naman sa mga bashers na patuloy na bumabatikos sa kanya, “For me kasi, hindi ako affected kasi hindi ko sila kilala, e. Never ako sumagot. Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story.
“Ako, hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun. Ako kasi, hindi ako… I’d rather be private,” mariin pang depensa ni Jason.
Tungkol naman sa buhay niya ngayon, “Same pa rin naman. Ako, ang mga friends ko nung high school ako, sila pa rin yung tropa ko hanggang ngayon. Hindi nagbago.
“Nasa Araneta ako, tumutugtog, may sold out concert, or nagbebenta ng lugaw sa airport, the same lang. I think, I’m not the new Jason, pero I’m much stronger. Mas matured. Mas natuto na,” aniya.
Ano naman ang reaksyon niya na ang sexy-sexy na ngayon ni Moira? “I’m super happy for her.”
Samantala, hugot na hugot din ang lyrics ng kanta niyang “Oras” na siyang theme song ng seryeng “The Write One” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Swak na swak ito sa kuwento at tema ng serye.
Mapapanood na ang “The Write One” sa GMA Telebabad simula sa March 20. Makakasama rin dito sina Mikee Quintos, Paul Salas, Lotlot de Leon, Ramon Christopher at marami pang iba.