Mga kinatawan ng Pinas sa 4 na international teen pageants kinoronahan na | Bandera

Mga kinatawan ng Pinas sa 4 na international teen pageants kinoronahan na

Armin P. Adina - March 09, 2023 - 04:44 PM

Mga kinatawan ng Pinas sa 4 na international teen pageants kinoronahan na

Babandera na sa iba’t ibang patimpalak sina (mula kaliwa) Meredith Breña Anota, Maria Socorro Aspe, Ancient Trinity Tabora, at Princess Jasmine Estanislao./ARMIN P. ADINA

 

TEENAGER pa lang sila, ngunit apat na dalagita ang naghahangad na mabigyan na ng malaking karangalan ang basna sa murang edad nila.

Si Meredith Breña Anota ang pinakabata sa gulang na 15 taon. Ngunit dahil sa kahanga-hanga niyang ipinakita sa Miss Teen Philippines International pageant na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto, nagpasya ang organizers na ipadala siya sa Miss Teen Earth pageant sa India.

Nakapaglunsad na ang Grade 9 student ng Pasay City South High School ng mga kampanyang pangkalikasan sa paaralan niya, at nakilahok na sa clean-up drive. Isa rin siyang opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Bicutan.

Pinakamatangkad naman si Maria Socorro Aspe na nangingibabaw sa taas na 5’10” kahit 16 taong gulang pa lang siya. Itinalaga ang Miss Teen Philippines International fourth runner-up bilang kinatawan ng bansa sa Miss Teen Universe pageant sa Puerto Rico.

Kasalukuyan siyang nasa Grade 11 sa UST Angelicum College sa Albay, at nangangarap na maging isang development pediatrician balang araw.

Babandera naman sa Miss Teen World pageant sa Ecuador si Miss Teen Philippines International second runner-up Ancient Trinity Tabora, 19, isang negosyanteng mayroon nang gown rental business at samgyeopsal (Korean barbecue) restaurant.

Isa pang teenager na tumanggap ng international assignment si Princess Jasmine Estanislao, 18, na kumukuha ng Tourism Management sa Far Eastern University sa Maynila. Dahil apat na taon na siyang nagmomodelo, ipadadala siya ng organizer sa Miss Teen Model contest sa Peru sa Hunyo.

Opisyal na tinanggap ng apat na dalagita ang kani-kanilang national titles sa isang “sashing and crowning” ceremony sa Milky Way restaurant sa Makati City noong Marso 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending